^

Probinsiya

P12.34 bilyong droga na nakumpiska sinunog ng PDEA

Cristina Go Timbang, Doris Franche-Borja, Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
P12.34 bilyong droga na nakumpiska sinunog ng PDEA
Ipinapasok ng mga tauhan ng PDEA sa thermal decomposition ang nasa mahigit 2.2 metriko toneladang ilegal na droga na nagkakahalaga ng P12.34 bilyon para wasakin.
Joven Cagande

CAVITE, Philippines — Nasa P12.34 bilyong halaga ng mga ilegal na droga ang sinunog ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang “destruction of dangerous drugs” sa Integrated Waste Management Inc. (IWMI) sa Brgy Aguado, Trece Martires City kahapon ng umaga. 

May kabuuan na 2,224,679.9705 gramo ng mga solid drugs, at 106,386.0500 milliliters na liquid drugs ang sinunog sa pamagitan ng thermal decomposition o thermolysis. 

Kabilang pa sa mga sinunog ay 1,1774,023.9425 gramo ng shabu na may kabuuang halaga na P12.06 bilyon kung saan karamihan dito ay galing sa mga anti-drugs operation ng PNP at PDEA. Kabilang din dito ang may 876,000 gramo ng shabu mula sa MIMAROPA, isa sa pinakamalaking interdictions sa rehiyon. Dagdag din dito ang 906,406.40 gramo ng shabu mula sa Valenzuela. 

Kasama pa sa mga sinunog ang 433,336.9546 gramo ng marijuana; 21.2214 gramo ng ecstasy; 9.0571 gramo ng MDMA +Meth; 51 gramo ng Diazepam; 2.7076 gramo ng ketamine; 22.1000 gramo ng nitrazepam; 4.2500 gramo ng Psilocybin; 1,797 milliliters na liquid marijuana; 104,589.0500 milliliters na liquid shabu at 15,000 gramo ng assorted expired medicines.

Kabilang sa mga sumaksi sa pagsira ng mga kumpiskadong illegal drugs sina PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, mga PNP officials at Local Government Units (LGUs) at Dangerous Drug Board (DDB) Chairperson Secretary Oscar F Valenzuela.

PDEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with