^

Metro

Coalition 169, nanawagan sa refund ng P28.56 bilyong LTO computer fees

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umapela ang Coalition 169 para sa agarang legal review at pagbabalik ng tinatayang P28.56 bil­yong computer fees na umano’y nakolekta ng Land Transportation Office (LTO) mula sa mga motorista at iba pang nakipagtransaksyon sa ahensiya.

Inilunsad ng grupo ang “Refund 169” campaign, na suportado ng ilang transport at civic organizations. Ayon kay Coalition 169 spokesperson Johnny Gomez, nagmula ang naturang halaga sa P169.06 computer fee na sinisingil sa mga transaksyon sa LTO gamit ang STRADCOM-operated IT system mula Pebrero 10, 2013 hanggang sa kasalukuyan.

Sinabi ni Gomez na nakabinbin sa Office of the Ombudsman ang mga isyung inihain ng coalition sa graft complaint nito noong Mayo 4, 2026. Kabilang sa hini­hingi ng grupo ang refund o restitution ng mga nakolektang computer fees, agarang pagsuspinde sa paniningil at pagpigil sa turnover o remittance ng mga koleksiyon habang hindi pa nareresolba ang reklamo.

Ayon sa Coalition 169, layunin ng kampanya na matiyak ang transpa­rency at accoun­tability sa pangongolekta ng computer fees. Iginiit ng grupo na kailangang malinawan kung legal ang naturang singil at kung mapatunayang hindi awtorisado, dapat maibalik ang kaukulang halaga sa mga nagba­yad.

LTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with