^

Police Metro

Bam kay Robin: Si Ninoy walang confidential funds

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mistulang sinopla ni Senator Bam Aquino si Senator Robin Padilla nang gamitin nitong halim­bawa na nag-alyas din ni dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr.

Sa ika-19 araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, tinanong ni Padilla si Private Prosecutor Atty. Mae Divinagracia kung alam niya ang paggamit ng alyas ng mga pambansang bayani katulad nina Jose Rizal, Andress Bonifacio, at iba pa.

Ginawa ng senador ang pagtatanong sa gitna ng pagtalakay nito sa paggamit ng alias sa mga pinagbigyan ng confidential funds para sa mga confidential activities ng Office of the Vice President (OVP).

Inisa-isa ni Padilla ang ilan sa mga alyas na ginamit ng mga bayani tulad ng Dimasalang, Siling­ Labuyo, Tikbalang, Taga-Ilog, May Pagasa, Buwan, Magdalo, Leon Kilat, Debora, Lakambini, Paralitiko, Dimas, Alipato, Liwanag, Baliti at iba pa.

Sumagot naman si Divinagracia na kilala niya ilang pangalang nabanggit ni Padilla, subalit nilinaw nitong hindi niya alam kung ano ang pangyayari sa likod ng paggamit ng mga bayani ng alias at noon ay nasa ilalim ng giyera ang bansa.

Dito na binanggit ni Padilla na maging si Ninoy Aquino ay gumamit din ng alyas na “Marcila Bonifacio”.

Dito sumagot si Bam at sinabi na si Ninoy ay may alyas para makauwi ng Pilipinas noong nasa Boston siya, pero wala siyang confidential funds.

BAM AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with