^

PM Sports

Morales target ang SEAG, Asian Games at Olympics

Pang-masa
Morales target ang SEAG, Asian Games at Olympics
Christine May Morales

MANILA, Philippines — Itinakda na ni national youth fencing team member Christine May Morales ang kanyang destinasyon bilang atleta.

Puntirya ng 13-anyos na si Morales na makalahok sa Southeast Asian Games, Asian Games at Olympic Games.

Sinimulan ng Grade 8 student ng University of the East-Manila ang kanyang pangarap nang tumusok ng gold medal sa under-14 junior women’s foil event ng katatapos lamang na Southeast Asian Fencing Federation (SEAFF) Junior and Cadet Championships sa Arena TSH OCM sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Tinalo ni Morales ang kababayang si Yuri Simmone Canlas sa isang all-Filipino final.

“Masayang-masaya ako na nakatulong ako sa kampanya ng aming koponan. Mahirap makalaban si Yuri Canlas at kinabahan ako noong una. Pero mabilis kong minotivate ang sarili ko na manatiling nakatuon, maglaro nang buong husay at ibigay ang aking makakaya. Sa huli, sulit naman ang lahat ng pagsisikap ko,” ani Morales sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ sa VIP Room ng Rizal Memorial Stadium.

Nagtapos ang Philippine delegation sa ikatlong puwesto sa overall matapos mag-uwi ng limang gold, pitong silver at 13 bronze medals, para sa kabuuang 25 medalya.

Nanguna ang Singapore sa overall standings na may anim na gold, tatlong silver at apat na bronze medals, para sa kabuuang 13 medalya.

Ang gold-medal performance ni Morales ay isa sa mga tampok na tagumpay ng Philippine campaign at lalo pang nagpatibay sa kanyang reputasyon bilang isa sa mga promising young prospects ng bansa sa fencing.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with