James may pinaghahandaan, winalis ang mga post!

As of presstime ay wala pa ring laman ang Instagram (IG) page ni James Reid.
Pinag-uusapan nga kung ba’t winalis ni James ang Instagram photos and videos niya, as in walang natira kahit isa.
Mayroong 6.9 million followers si James sa kasalukuyan sa Instagram. At ang message lang sa kanyang account ‘unbecoming’ at blurred profile pic.
Kaya naman palaisipan sa fans kung anong paliwanag o kung anong project ang gagawin ng actor sa kanyang Instagram reset.
Baka raw may major pasabog si James.
Karaniwang ginagawa ng ibang celebrity ang reset ‘pag may gagawin silang major ganap. Ina-archive ang laman nito at ibinabalik na lang.
Sa kasalukuyan ay maganda ang exposure ni James sa Someone, Someday with Kathryn Bernardo, na comeback project niya after 10 years.
Meron din namang nag-iisip na baka naman may something sa relasyon nila ni Issa Pressman.
Pero mas more on may bagong kanta si James na ilalabas kaya winalis niya ang mga post sa IG.
- Latest






















