^

Metro

Jinggoy dinala sa ospital, lumagutok tuhod

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Jinggoy dinala sa ospital, lumagutok tuhod
Sen. Jinggoy Estrada, along with three of his co-accused, arrived at the Sandiganbayan in Quezon City on June 4, 2026 for the arraignment of their plunder case in connection with the alleged P573 million in illicit payouts from flood control projects.
The Philippine STAR / Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Dinala si detained Senator Jinggoy Estrada sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan nitong Miyerkules para sa nakatakdang X-ray, ngunit nagsilbi rin itong pagkakataon para mabigyan siya ng atensyong medikal dahil sa matinding pananakit ng kaliwang tuhod.

Ayon sa kanyang kampo, “snapped” ang kaliwang tuhod ni Estrada habang nasa loob ng Que­zon City Jail at nag­hahanda para sa medical procedure.

Itinanggi naman ng BJMP na nadulas si Estrada sa banyo ng kulu­ngan. Paliwanag ni BJMP spokesperson JSupt. Jayrex Bustinera, naglalakad palabas ng selda si Estrada nang marinig ang “snap” mula sa kanyang tuhod.

Pinayagan ng Sandiganbayan 5th Division si Estrada na makalabas ng Quezon City Jail alas-11 ng umaga para sa X-ray ng tuhod sa Cardinal Santos alas-1 ng hapon.

Ang 63-anyos na senador ay matagal nang nakararanas ng joint effusion at paminsan-minsang pananakit sa parehong tuhod. Na-diagnose na rin siya ng osteoarthritis, isang degenerative na kondisyon na nakaaapekto sa kanyang paggalaw.

“Accused Estrada has of late been experien­cing a flare up of persistent pain in both knees, ­making it acutely difficult for him to walk,” ayon sa Sandiganbayan.

Ipinabatid ng kanyang asawa ang kondisyon kay orthopedic doctor Dr. Jose Fernando Syquia, na nagrekomenda ng X-ray procedure sa parehong tuhod na may apat na specific views upang matukoy kung lumala na ang sakit ni Estrada.

JINGGOY ESTRADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with