Si Melo at ang kanyang mabentang content
Maraming miyembro ng Tiktok generation ang nakakakilala sa content creator na si Melo Aguilar bilang napaka-aktibo nito sa naturang platform at may napakaraming followers. Kilala sya sa kanyang mga comedy skits at usaping lifestyle and relationships. (so sya na talaga?!)
Nagsimula siyang sumubok ng long-form content noong 2019 kasama ang mga kaibigan bago siya naging mas visi-
ble sa TikTok noong pandemya. (daan daw nang daan sa feed!)
Isa sa kanyang mga unang vi-
deo ang umabot sa 100,000 views, na naging dahilan para mas makita niya ang potensiyal ng TikTok. (so organic, hindi mga kamag anak lang!)
“So, nag-tiktok ako. Tapos, nagulat ako, may viral! First time kong nagkaroon ng 100,000 na views. Dun nabuksan ‘yung idea na, uy, okay tong tiktok as platform. So, tinuloy-tuloy ko siya,” pag alala ni Melo. (may future!)
Isa sa mga una niyang content ay tungkol sa kanyang pagiging insurance agent.”Ginamit ko siya sa sales career ko. So, through tiktok, dun ako nakakabenta ng services ko sa sales.” (serbisyong totoo ni melo?!)
Taong 2024, napansin niyang medyo nawawala na ang kanyang creativity dahil nakatuon na lang ang kanyang content sa pagkakaroon ng benta. (ay akin nalang benta if di mo bet!)
“Parang, nawawala na ‘yung, ‘yung, creativity ko sa paggawa ng content. Parang, ginagawa ko na lang siya for the sake na may ma-post akong content, for the sake na meron akong ma-close na sale, um, may ma-close akong deal,” pagbabahagi ni Melo (dahil dyan close na tayo!)
Dahil dito, nag-decide siyang bumalik sa pangunahing dahilan kung bakit niya gustong gumawa ng content. “So, sabi ko, balik lang ako sa core ko, kung bakit ako nag-content before, which is, i-showcase yung kalokohan ko online.” (basta ako, i-showcase ang mga boys sa show namin!)
Ginawa na nya itong career. “The thing is, wala pa akong kinikita nung, time na yun, yung nagde-decide na ako na ipupursue ko siya. Pero alam ko na, yun yung gusto ko.
So, habang meron akong full-time job, nagko-content ako.” (masipag na bata!)
Sa kanyang guest appearance sa podcast na PodTanda Natin, Nagbigay siya ng reminder sa mga gustong maging content creator at kumita ng pera.”Yung kita, It will take time.
Parang, gagawa ka ng content may mga araw, may mga buwan na talagang hindi ka kikita. Ako parang ngayon ko palang medyo na-enjoy yung, yung, sabihin na natin na, yung compensation sa content creation.” (tara join ako sa pag eenjoy!!)
Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com
- Latest





















