^

Police Metro

42 beds na lang para sa leptospirosis patients sa NCR

Mer Layson - Pang-masa
42 beds na lang para sa leptospirosis patients sa NCR
Photo dated August 21, 2019: Leptospirosis patients are treated at the National Kidney and Transplant Institute’s gymnasium, which was converted into a ward.
Boy Santos/File

DOH humiling na dagdagan pa…

MANILA, Philippines — Nasa 42 beds na lang ang bakante para sa mga leptospirosis patient sa mga ospital na nasa pangangasiwa ng Department of Health sa National Capital Region (NCR).

Kaya’t pinayuhan ni Health Secretary Edwin Mercado ang mga naturang pagamutan na magdagdag pa ng mga beds bunsod nang inaasahan pang pagtaas ng nasabing sakit dahil sa mga naranasang pagbaha nitong mga nakaraang araw dahil sa mga bagyo at habagat.

Nakikipag-ugnayan na rin ang DOH sa mga pribadong pagamutan upang gamitin ang 10% hanggang 15% zero-balance-billing beds sakaling tuluyan pang tumaas ang mga kaso ng leptospirosis.

Sa datos ng DOH, nabatid na hanggang noong Agosto 22, mayroon nang naitalang 4,285 leptospirosis cases nationwide.

Ang naturang kaso ay 37% na mas mababa kumpara sa 6,839 kaso na naitala sa kahalintulad na petsa noong nakaraang taon at pinakamaraming naitalang sakit ang NCR, Cagayan Valley at Central Luzon.

Ang leptospirosis ay isang uri ng impeksiyon na nakukuha sa ihi ng daga na maaaring humalo sa baha at maaaring makamatay kung hindi maaagapan.

LEPTOSPIROSIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with