^

Police Metro

Non-bailable offense at 20 taong kulong sa loose firearms — Jonvic

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isinusulong ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na gawing non-bailable (walang piyansa) at patawan ng hanggang 20 taong pagkakakulong ang ilegal na pagmamay-ari ng mga loose firearms o hindi rehistradong baril.

Aniya, kailangan ang mas mabigat na parusa laban sa ilegal na pagmamay-ari at paggamit ng baril, lalo na’t karaniwang sangkot ang loose firearms sa mga krimen.

Nanawagan ito sa Kongreso na amyendahan ang Republic Act 11766 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, na tinawag niyang “Robin Padilla Law,” dahil maaari pa ring makapagpiyansa ang mga nahuhuling may ilegal na baril habang dinidinig ang kanilang kaso.

Makatutulong ang mas mabigat na parusa sa pagbawas ng mga krimeng may kaugnayan sa baril.

Kasunod nang insidente ng pamamaril sa isang paaralan sa Zamboanga City kung saan nakakuha umano ng legal na baril ang isang menor de edad na naiwan sa loob ng sasakyan ng ama.

Idinagdag pa ni Remulla na dapat ding panagutin ang mga lisensyadong may-ari ng baril sa hindi wastong pag-iingat at pagtiyak na hindi ito maaabot ng mga hindi otorisadong tao.

DILG

LOOSE FIREARMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with