^

Police Metro

M4GG, nagtipon sa 3rd Anniversary Good Governance Summit

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ipinagdiwang ng Mayors for Good Governance (M4GG) ang kanilang ika-3 Anibersaryo at Leadership Summit nitong Agosto 22, 2026 sa Diamond Hotel Manila kung saan nagtipon ang mahigit 100 lokal na lider at alkalde mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Layunin ng buong-araw na pagtitipon na talakayin ang mabuting pamamahala, mahusay na pamumuno, at tapat na paglilingkod sa publiko, gayundin ang patuloy na pagsusulong ng good governance sa antas ng mga lokal na pamahalaan.

Sina Negros Occidental Third District Rep. Javier Miguel L. Benitez at Rep. Agatha Paula Cruz ang nagsilbing co-hosts ng programa.

Itinatag noong Agosto 2023, ang M4GG ay isang non-profit na kilusan na binubuo ng mahigit 100 lokal na punong ehekutibo na nagsusulong ng reporma.

Nakatuon ito sa paglaban sa korapsyon at pagsusulong ng transparent, may pananagutan, at nakasentro sa mamamayan na pamamahala, sa pamamagitan ng matatag at empowered na local governments.

Sa mga nakalipas na taon, pinagbuklod ng kilusan ang mga alkalde mula sa iba’t ibang partidong politikal, rehiyon, at pananaw sa pulitika, batay sa iisang paninindigan para sa integridad at mabuting pamamahala. 

Inilunsad ng M4GG ang REPORT INFRA, isang channel kung saan maaaring magsumbong ang mamamayan at stakeholder tungkol sa mga pinaghihinalaang ghost projects, overpriced, o substandard na mga proyektong imprastraktura.

Isinulong din ng grupo ang mas malawak na public access sa national budget information, sinuportahan ang mas mataas na budget sa Local Government Support Fund na umabot na sa P57 bilyon.

GOOD GOVERNANCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with