Motor sumalpok sa kalabaw: 2 tepok
MANILA, Philippines — Kapwa nasawi ang isang rider at angkas nito nang aksidenteng sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang kalabaw na tumatawid sa highway ng Brgy. Guimbalalon, Silay City, Negros Occidental.
Ang mga nasawing biktima ay kinilala sa mga pangalan na Ed, driver ng motorsiklo at backrider nitong si Janjan.
Sa ulat ng Silay City Police ang mga biktima ay magkaangkas sa motorsiklo na patungo sa sentro ng naturang barangay nang bigla na lang tumawid ang kalabaw na nakawala sa tali.
Nabulaga si Ed, bunsod upang sumalpok sa kalabaw at sa lakas ay kapwa sila tumilapon at nagtamo ng matitinding sugat sa katawan. Idineklarang dead-on-arrival sa ospital si Ed habang si Janjan naman ay binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas.
- Latest















