^

Bansa

DILG: No bail, 20 taong kulong sa loose firearms

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isinusulong ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na gawing non-bailable offense ang ilegal na pagmamay-ari ng loose firearms at pagpapataw ng hanggang 20 taong pagkakakulong.

Ayon kay Remulla, kailangan ang mas mabigat na parusa laban sa ilegal na pagmamay-ari at paggamit ng baril, lalo na’t karaniwang sangkot ang loose firearms sa mga krimen.

Nanawagan siya sa Kongreso na amyendahan ang Republic Act 11766 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, na tinawag niyang “Robin Padilla Law,” dahil maaari pa ring makapagpiyansa ang mga nahuhuling may ilegal na baril habang dinidinig ang kanilang kaso.

Sinabi ni Remulla na inaasahang bibilisan ng mga mambabatas ang pag-amyenda sa batas at maaari itong maisabatas pagsapit ng Enero. Makatutulong ang mas mabigat na parusa sa pagbawas ng mga krimeng may kaugnayan sa baril.

Kasunod ito ng insidente ng pamamaril sa isang paaralan sa Zamboanga City kung saan nakakuha umano ng legal na baril ang isang menor-de-edad na naiwan sa loob ng sasakyan. 

Binigyang-diin ni Remulla na dapat ding panagutin ang mga lisensyadong may-ari ng baril sa wastong pag-iingat at pagtiyak na hindi ito maaabot ng mga hindi awtorisadong tao.

DILG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with