M4GG, nagdaos ng 3rd Anniversary Summit sa Manila
MANILA, Philippines — Nagsagawa ng 3rd Anniversary Good Governance Summit and General Assembly ang Mayors for Good Governance (M4GG) sa Diamond Hotel Manila noong Agosto 22, na dinaluhan ng convenors, miyembro, partners, at resource persons.
Layunin ng buong-araw na pagtitipon na talakayin ang mabuting pamamahala, mahusay na pamumuno, at tapat na paglilingkod sa publiko, gayundin ang patuloy na pagsusulong ng good governance sa antas ng lokal na pamahalaan. Co-hosts ng programa sina Negros Occidental Rep. Javier Miguel Benitez, at Rep. Agatha Paula Cruz.
“Good governance is not an aspiration. It is a standard, and these mayors are proving it is possible,” pahayag ni Benitez.
Itinatag noong Agosto 2023, ang M4GG ay binubuo nang mahigit 100 lokal na punong ehekutibo mula sa iba’t ibang rehiyon at partidong politikal, na nagkakaisa para sa integridad at reporma. Nakatuon ito sa paglaban sa korapsyon at pagsusulong ng transparent, accountable, at citizen-centered governance.
Nagbukas ang summit sa remarks nina Daniela Braun ng KAS Philippines at M4GG President Joy Belmonte. Nagbigay ng keynote si Romblon Gov. Trina Firmalo-Fabic ukol sa “breaking barriers in public service.”
Sa unang panel, tampok sina Leni Robredo, Mayor Law Fortun, at Mayor Bruce Matabalao. Sa ikalawang panel, tinalakay ang pagsasalin ng good governance sa aktuwal na gawain kasama sina Mayor Benjie Magalong, Mayor Belmonte, Mayor Sitti Hataman, at Mayor Vico Sotto.
Nagtapos ang pagtitipon sa ulat mula sa M4GG National Secretariat at isang Commitment Ceremony, kung saan muling pinagtibay ng mga kasaping alkalde ang pangako na unahin ang kapakanan ng mamamayan, responsableng pamahalaan ang yaman ng bayan, itaguyod ang citizen participation, panindigan ang rule of law, at mamuno nang may integridad at transparency.
- Latest























