^

PSN Showbiz

Desisyon sa kasong rape ni Sandro Muhlach, lalabas na!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Desisyon sa kasong rape ni Sandro Muhlach, lalabas na!
Niño Muhlach at Sandro Muhlach

Hindi na lumaki ang isyu at hindi na-bash si Niño Muhlach sa aksidenteng kinasangkutan nito nung Linggo.

Napabalita nung Lunes ang aksidenteng inararo ng SUV na minamaneho ni Onin ang tatlong tindahan sa may Marcos Highway sa Antipolo at meron pang na-injure na nakatambay roon. Inamin ng aktor na nakatulog siya kaya hindi na niya namalayan ang naturang nangyari.

Hinarap ni Niño ang naturang aksidente, ipinagamot ang taong nasugatan, at nangakong sasagutin niya ang pagpapaayos sa nasirang tindahan.

Kumalat sa social media ang naturang aksidente, at nakita pa nga roon ang pagdating ng dalawang anak niyang sina Sandro at Alonzo na umalalay sa kanya.

Hindi rin siya iniwan at talagang dinamayan siya roon ng komedyante at magician na si Jeff Tam.

Pero nung Lunes ay nag-release na rin si Niño ng official statement sa kanyang social media account.

Nilinaw niya ang lahat at inamin ang kanyang pagkakamali.

Aniya, “I take full personal and legal responsibility for what happened. My priority right now is ensuring that the affected individual receives all necessary care, support and medical assistance, and that all damages caused to the properties and establishments are fully compensated and rectified.

“I am deeply sorry to the victim, their family, and everyone affected by my negligence. I am fully cooperating with authorities as this matter is being resolved.”

Inilabas ni Niño ang tunay niyang pangalan sa naturang statement na si Angelo Jose Rocha Muhlach.

Pinuri si Niño sa katapatan na isinaad sa naturang statement.

Pawang positive messages ang natatanggap niya, dahil mapagpakumbabang inamin niya ang kanyang pagkakamali.

Marami sa mga nakatrabaho niya at mga kasamahan sa showbiz ang nagpahayag ng simpatiya at concern sa nangyari sa kanya.

Samantala, tuwing nakikita namin ang anak ni Nino na si Sandro Muhlach, muling nanariwa sa amin ang iskandalong kinasangkutan nito na umabot na sa demandahan.

Kinumusta namin ang naturang kaso na kung saan patuloy pa ring dinidinig sa Department of Justice ang kasong Rape through Sexual Assault na isinampa ni Sandro laban sa dalawang GMA independent contractors na sina Richard Cruz at Jojo Nones.

Dalawang taon na ang nakararaan kaya malapit na itong makalimutan. At naaalala lang kapag nakikita si Sandro, dahil sa stigma na nakakabit sa kanya.

Wala lang kaming paraan na ma-contact ang legal team ni Sandro, kaya kinumusta ko ito kay Atty. Maggie Abraham na siyang abogado nina Richard at Jojo.

Patuloy pa rin pala itong dinidinig, pero ang latest lang na nasagap namin ay inaasahang ibababa na ang promulgation bago matapos ang taong ito.

Message sa amin ni Atty. Maggie sa messenger, “Nag-file na po kami ng formal offer of evidence for the defense.

“Next hearing is for checking if mag-rebuttal evidence pa ang prosecution.

“If hindi na, mag-schedule na ng date ng promulgation to release its decision.”

Kung hindi na made-delay ang mga kasunod na schedule ng hearing, posibleng magkakaroon na nga ng promulgation at ibaba na ang desisyon sa kasong ito.

Sa aking palagay lang, malaking bagay ito kay Sandro, kahit unti-unti na siyang nakapag-move on sa traumatic experience na pinagdaanan niya.

Sa mga huling interview kay Sandro, sinabi naman niyang natapos na niya ang kanyang therapy at kailangan na niyang mag-move on.

Sabi niya sa huling panayam sa kanya, “It made me realize na hindi lang hanggang doon ‘yung buhay ko. Marami pa akong pupuntahan at my age.

“I don’t say na fully ready, but more aware sa mga tao na nakasama ko. Pero siyempre, gusto ko lagpasan lahat ‘yun. Gusto ko na magawa at gusto ko mabalik ‘yung dating Sandro na kayang gawin lahat.”

Ang latest ay wala na sa Sparkle si Sandro. Pero solid ang suporta ng pamilya na wala pang makapagsabi kung paano tanggapin ng dalawang kampo ang magiging desisyon ng korte.

Kinumusta pa nga namin kay Atty. Maggie ang dalawang independent contractors kung ano na ang takbo ng kanilang buhay at kung may trabaho ba sila ngayon, pero hindi pa niya kami nasagot as of this writing.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with