Madi Mojdeh matikas sa National Interschool

MANILA, Philippines — Umani sina La Salle Green Hills standouts Behrouz Mohammad Mojdeh at Kristian Yugo Cabana ng gintong medalya para masiguro ang Most Valuable Player awards sa kani-kanyang dibisyon sa National Interschool Short Course Swimming Championships sa Rizal Memorial swimming pool sa Manila.
Naibulsa ni Mojdeh ang MVP award sa boys’ 15-year division matapos umani ng apat na ginto at isang pilak na medalya sa magkakaibang events.
Nanguna si Mojdeh sa 50m butterfly kung saan nagsumite ito ng impresibong 27.59 segundo kasunod ang pamamayagpag sa 50m backstroke tangan ang 28.52 segundo.
Muling kumana ng ginto ang national junior swimming team member na si Mojdeh sa 50m breaststroke nang maglista ito ng 31.90 segundo bago makuha ang pilak na medalya sa 50m freestyle (27.41).
Sa kabilang banda, nagpasiklab din si Cabana na sumisid ng limang gintong medalya para makuha ang MVP plum sa boys’ 16-year category.
Nanguna si Cabana sa 100m freestyle (54.19), ?50m freestyle (25.08),?50m butterfly (26.47), 50m backstroke (29.53) at ?50m breaststroke (30.43).
Itinanghal; na overall champion ang La Salle Green Hills matapos manguna sa Boys’ Division 2 at pumangalawa sa Boys’ Division 1.
Sina Mojdeh at Cabana ay mga miyembro ng Behrouz Elite Swimming Team.
“I couldn’t be prouder of the team’s incredible showing at the National Interschool Tournament. Success at this level starts with a strong grassroots development program that nurtures talent early on,” ani BEST team manager Joan Mojdeh.
“Giving our swimmers this crucial competitive exposure builds both skill and championship character for the future,” dagdag nito.
Magandang indikasyon ito para sa dalawa na naghahanda para sa sa NCAA swimming competitions.
- Latest























