DepEd ipinagpaliban sa Setyembre ang active attack drills sa mga paaralan

MANILA, Philippines — Ipinagpaliban ng Department of Education (DepEd) sa unang linggo ng Setyembre ang nationwide safety drill para sa active attack incidents na nakatakda sanang isagawa sa mga pampubliko at pribadong paaralan ngayong Agosto 25.
Ayon sa DepEd, napagpasyahang ilipat ang aktibidad dahil sa masamang panahon at suspensiyon ng face-to-face classes sa ilang lugar. Tiniyak ng ahensiya na mananatiling age-appropriate at trauma-informed ang drills, na nakatuon sa basic protective actions, komunikasyon, koordinasyon, accountability at recovery.
Inatasan din ang mga regional director na makipag-ugnayan sa Department of the Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP) at iba pang kaukulang ahensiya para sa maayos na pagpapatupad ng aktibidad.
- Latest


















