SportsPlus nagpapabago ng mga buhay

MANILA, Philippines — Pumunta lamang si Francis Ablan sa San Francisco Del Monte Sports Complex sa Bulacan noong Abril 27 para panoorin ang SportsPlus MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) 2026 Season games.
At umuwi siyang isang milyonaryo.
Pinili bilang isang contestant para sa SportsPlus P1 Million Clutch Time Challenge, ipinasok ni Ablan ang kanyang layup, isang free throw, isang three-point at isang half court shot para mapanalunan ang premyong P1 milyon — ang pinakamalaki sa isang side event sa local basketball.
Inilaan ng tubong Sta. Cruz, Ilocos Sur at naninirahan sa Barangay Gumaoc West, San Jose Del Monte City ang nasabing premyo sa pagpapagawa ng kanilang bahay at para sa kanyang hospitality management course sa La Concepcion College sa San Jose Del Monte.
Nakapaglabas na ang SportsPlus, ang Official League Title Partner ng MPBL at Official Gaming Partner ng Philippine Olympic Committee, ng higit sa P2 milyon para sa papremyo hanggang Agosto 15.
Hindi lamang nakatutok ang SportsPlus sa mga atleta, liga at sports development kundi pati ang pagbibigay ng pagkakataon sa mga manonood at fans na mapaganda ang kanilang pamumuhay.
Si Jeffrey Ching ang naging ikalawang major winner noong Mayo 9 nang mapanalunan ang P350,000 sa kanyang buzzer-beater mula sa half court sa One Arena sa Cainta.
Isinalpak ng residente ng Barangay San Juan sa Cainta ang kanyang layup sa first attempt, isang free throw sa second attempt at ikatlong attempt para maisyut ang triple bago matapos ang oras.
Espesyal naman para kay Raniel Decosto ang petsang Mayo 22.
Ipinasok ng kolektor para sa isang lending firm ang kanyang mga tira para maibulsa ang P400,000 premyo.
Bumili si Decosto, nakatira sa Barangay Banaba Ibaba, Batangas City, ng motorcycle na ginagamit niya ngayon sa kanyang trabaho at panghatid sa asawa niyang si Rhona at anak na si Zashna.
Si Arvie Medillo ang nagsyut sa pinaka-dramatikong tira sa SportsPlus Clutch Time Challenge noong Mayo 13 sa Caloocan Sports Complex.
Matapos makumpleto ang tatlong tira sa loob ng 29 segundo ay marami pang oras si Medillo para makuha ang P200,000.
Naimintis niya ang unang dalawang tira bago naipasok ang huli sa pagtunog ng buzzer.
- Latest


















