^

Pang Movies

Bea, hindi na priority ang showbiz?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Bea, hindi na priority ang showbiz?!
Bea Alonzo
STAR / File

Magiging priority na ni Bea Alonzo ang pamilya matapos ang civil wedding nila ng bilyonar­yong si Vincent Co last month.

Ito ang sinabi ng kanyang bagong manager na si Chris Cahilig nang tanungin ko kung anong plano ng actress sa pagkakaroon ng bagong manager. “I can confirm that it’s true and that I’ll be her interim manager or agent,” unang sabi ni Chris.

Dagdag pa niya: “She’s married na and is starting a family,” sabi pa ni Chris na isang direktor din.

May usap-usapan na tungkol dito, na nag-resign nga raw ang manager ni Bea na si Shirley Kuan ilang linggo na ang nakalipas, dahil nga diumano hindi napigilan ng talent manager ang actress sa pagpapakasal nito sa negosyante sa isang private ceremony kay Makati Mayor Nancy Binay. “There is a need to take care of unfinished businesses. There are inquiries for endorsements,” dagdag ni Chris sa isa pang interview na siya ring pasimuno ng CinePanalo Film Festival ng Puregold na pag-aari ng pamilya ni Vincent. Maaalalang naudlot ang unang planong kasal nina Bea at Vincent sa Spain dahil diumano sa naglalabasang mga kontrobersiya noon.

BEA ALONZO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with