^

Pang Movies

Nadine, nawala ang pagiging pretensyosa sa Siargao!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Nadine, nawala ang pagiging pretensyosa sa Siargao!
Nadine Lustre
STAR / File

Aminado si Nadine Lustre na sa Siargao niya talaga naram­daman ang peace of mind at katahimikan na kanyang hinahanap. “Parang nakahinga ‘ko nu’ng nag-Siargao ako,” kwento niya sa panayam sa vlog na Dogshow Divas.

“Nu’ng nagpunta kasi ako do’n for the first time, mga 2017 ‘yun, parang hindi ko masyadong inisip ‘yung fact na ‘yun, pero nu’ng nando’n ako, pakiramdam ko, mas nakahinga ako.

“Tapos, after the pandemic, nu’ng bumalik ulit ako do’n, 2021, do’n ko parang na-realize na gusto kong tumira dito. Kasi ang ganda ng energy, tapos, ang layo sa city,” tsika niya.

Na-realize nga raw niya na hindi niya gusto ang city life.

“Feeling ko, hindi talaga ako pang-city, eh, ever since. Kasi ‘pag nasa city ako, para ‘kong nasasakal. Although sobrang love ko ‘yung work ko. But at the same time, basta merong certain energy na parang smothering siya, medyo nakakasakal siya.

“So, ‘pag nando’n (sa Siargao) ako, mas nakaka-relax ako do’n, I can be more myself, I don’t have to pretend or think about anything else. Parang kahit hindi ako mag-ayos, okay lang, gano’n,” aniya.

Medyo weird nga raw dahil kaya siya nag-base sa Siargao dahil gusto niya ng space or break from her work in Manila. Pero ang nangyari, ang trabaho ang nagpunta sa kanya roon dahil sa serye nila ni Alden Richards sa GMA 7 na Love, Siargao.

Aniya, “I wanted parang a space or a place where I can take a break from city life. Refuge, ganu’n, takbuhan from everything that I’m doing here. Tapos, nakakatawa pa, dinala pa siya (ang trabaho) do’n.”

Pero wala naman daw siyang complaints dahil nag-enjoy raw siya at kaya nga rin niya tinanggap ang serye ay dahil gusto niya ring maipakita ang natural beauty at kultura ng isla.

“I was really happy to do it. And then nu’ng lumipad na do’n lahat, ‘yung crew, ‘yung production, ‘yung mga artist, medyo weird siya nu’ng una kasi sobrang chill ko do’n sa isla, tapos biglang work mode ako,” aniya.

Sue, naglabas ng pait sa pagkawala ng Ina

Ilang araw matapos ang pagpanaw ng kanyang inang si Concepcion “Chit” Dodd, naglabas ng kanyang madamdaming saloobin si Sue Ramirez.

Sa kanyang Instagram account kahapon, nagbahagi ang aktres ng mga masasayang larawan nila ng ina noong nabubuhay pa ito.

Sa caption ay ramdam na ramdam namin ang sakit na nararamdaman ni Sue sa pagkawala ng kanyang pinakamamahal na nanay.

“Kung may mas mahaba pa sa habang buhay ganun kita katagal mamahalin, Mi. Ito ang sakit na hindi mawawala sa puso ko kailan man,” simula ng aktres.

Saad pa niya, hindi raw niya alam kung paano mabubuhay ngayong wala na ang kanyang mommy.

“Hindi ko alam kung anong gagawin, Mi. Hindi namin alam kung paano mabuhay sa mundo ng wala ka. Sana alam mo na mahal na mahal ka namin at napakalaki ng puwang na iiwan mo sa aming lahat,” mensahe niya.

Nagpahayag din ng pasasalamat si Sue sa walang kapantay na pagmamahal nito para sa kanilang magkakapatid.

“Ang pinakapinagpapasalamat ko sa buhay ay ikaw ang naging nanay ko. Wala nang mas masakit pa sa pagkawala mo.

“Salamat sa lahat, Mi. Para sa buhay na binigay mo, para sa lahat ng pagiintindi at pagpapasensya, sa mga lambing at tawa, sa pagmamahal mo na hindi kayang pantayan ng kahit sino. Hinding hindi kami titigil na pag-usapan ka at ipagmalaki sa lahat ng tao na anak kami ni Chit. Sobrang mamimiss kita, Mi.

“Mahal na mahal na mahal kita. Hanggang sa Muli, Mi,” pagtatapos niya.

Sumakabilang-buhay si Chit noong Lunes, Aug. 17, 2026, matapos ang pakikipaglaban nito sa kanyang sakit. Hindi na nagbigay pa ng detalye si Sue sa pagpanaw ng ina.

NADINE LUSTRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with