^

Pang Movies

Anne, tinatago na ang bukol sa leeg!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Anne, tinatago na ang bukol sa leeg!
Anne Curtis
STAR / File

Napapansin ng netizens na ilan sa latest photos ni Anne Curtis, may takip ang neck area niya na para bang sinasabi niya na tigilan na pakialaman ang kanyang sinasabing bukol sa leeg.

For sometime, pinag-initan ng netizens ang neck area ng aktres dahil napansin nilang may lump.

Naging dahilan ito para mag-issue ng statement si Anne na pananatilihin niyang private ang health issue niya at humingi ng privacy. Simula noon, wala nang nagbanggit sa leeg ng aktres. Para siguro tuluyang hindi pakialaman, napapansin na ang mga suot niya lately, natatakpan nga ang neck area niya which is a smart move.

Si Anne pala, kasama sina Bea Alonzo at Gabbi Garcia ay nanggaling sa Lijiang, China para sa photoshoot para sa collab nina Anne at Bea for blk at BASH ni Bea.

Sina Gabbi, Bretman Rock at Kylie Verzosa ay kasama sa photoshoot para sa promo ng Bash na business ni Bea.

Ang busy-busy ni Anne, may upcoming movie to be streamed on Netflix at sunud-sunod ang endorsement. Napapanood pa rin siya sa It’s Showtime at minsan nagko-concert kapag naiimbita sa ASAP.

Kim, nagpa-shoutout kay Xian?!

Tanong ng fans, sino kina Gerald Anderson at Xian Lim ang tinukoy ni Kim Chiu sa pa-shoutout niya sa naging ex? Sabi ni Kim, “Hindi kita pinagsisihan pero hindi na kita babalikan. Dahil may mga alaaalang dapat hanggang alaala na lang.”

Pero dahil si Xian ang pinakahuling naging ex ni Kim, malamang daw na para sa kanya ang shoutout na ito ni Kim. Hindi rin maganda ang paghihiwalay ng dalawa, may mga lumitaw na isyu at hanggang ngayon nga, pinag-uusapan pa rin paminsan-minsan.

May mga nakisimpatiya naman sa shoutout ni Ryan Bang at feeling ng fans, may sakit pa rin sa dibdib nito ang breakup sa fiancee. “Ako’y may dating kasintahan at dati kaming nagmamahalan. Pero ‘di pumayag ang tadhana kaya hindi kami natuloy sa dambana.”

Hindi kasi natuloy ang kasal nina Ryan at ex-fiancee nitong si Paola Huyong at pati pagiging business partners, naapektuhan din.

Alden, matic na ang sagot sa isyung bading!

Ang post ni Alden Richards na “A day I’ll always be grateful for. Thank you to everyone who made our outreach in Calumpit, Bulacan possible. As long as I’m here, I’ll continue to do my part to give back, make a little difference, and hopefully touch lives along the way Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi nito.”

Ang outreach na tinukoy niya ay ang pamimigay niya ng ayuda sa mga binaha sa Calumpit, Bulacan katuwang ang AR Foundation at ang Myriad Entertainment at pinasalamatan nito ang sponsors para mabigyan ng tulong ang 2,000 families.

Laging may pa-outreach si Alden tuwing may mga sakuna, kaya mahal na mahal siya ng kanyang fans.

And speaking of Alden, sa interview sa kanya ni Toni Gonzaga sa Toni Talks, may pahayag ang aktor sa mga kumukuwestiyon sa kanyang gender dahil lang sa wala pa siyang asawa. Wala rin siyang girlfriend at hindi nali-link, kaya kung anu-anong pamba-bash sa kanyang pagkatao. “Sa tingin n’yo bading, fine. ‘Pag ganu’ng mga rumors, wala na bang iba?

“Sa showbiz, ‘matic... tapos walang girlfriend. ‘Yung judgment call sa gender ng mga kalalakihan sa industriya natin ang dali just because of that fact.”

ANNE CURTIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with