^

PSN Showbiz

Forgotten Island, malapit nang husgahant

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Forgotten Island, malapit nang husgahant
Lea Salonga at Dollly
STAR/ File

Tatanggap din si Lea Salonga ng Icon Award sa darating na Sept. 6, 2026 na igagawad sa kanya ng Manila International Film Festival (MIFF) sa Beverly Hills Hilton sa Los Angeles, California.

Come Sept. 3 to 5 ay ipapalabas naman sa MIFF ang upcoming fantasy film na Forgotten Island ng DreamWorks Animation kung saan kasama ang mga boses nina Lea, Liza Sobe­rano, Dolly de Leon at iba pa.

Nakakatuwang isipin, Salve A., na sa kabila ng maraming pagsubok na kinakaharap ng ating bansa ay patuloy naman ang paggawa ng pangalan sa buong mundo ng maraming Filipino talents and athletes at kasama na rito ang Filipina tennis superstar na si Alex Eala.

Mga anak na babae nina Manny at Jinkee, mas pursigido sa pag-aaral

Sa limang anak ng People’s Champion at boxing icon na si Manny Pacquiao at ng kanyang misis na si Jinkee Pacquiao na sina Jimuel, Michael, Princess, Queenie at Israel, mukhang ang dalawa nilang anak na babae ang pursigidong magtapos sa kanilang pag-aaral sa kolehiyo.

Si Princess ay kasalukuyang nag-aaral sa Royal Holloway, University of London ng Biomedical Sciences, preparatory to Medicine. Siya bale ang future doctor ng kanyang pamilya. Habang si Queenie ay magsisimula na bilang freshman student  sa Loyola University in Chicago, USA ngayong Lunes, Aug. 24, 2026, kung saan siya naka-enroll sa Forensic Science.

Ang dalawang nakatatandang kapatid na lalake nina Princess at Queenie na sina Jimuel at Michael ay parehong hindi nagpatuloy sa college habang nasa high school naman ang kanilang bunsong anak na si Israel.

Si Jimuel naman, ang panganay ng mag-asawa ay kasal na sa Mexican-American na si Carolina Pimentel at meron na silang isang anak na si Clara na siyang sentro ngayon ng attention nina Manny at Jinkee na baliw na baliw sa kanilang unang apo na ngayon pa lamang ay nagpapakita na ng senyales ng hilig nito sa pagkanta.

Dahil kay Clara, mas madalas na nasa L.A. ang buong Pacquiao family.

Samantala, mukhang tahimik ang boxing and showbiz career ngayon ng isa pang anak ni Manny kay Joanna Bacosa na si Eman Bacosa Pacquiao na gumawa ng ingay nung 2025.

LEA SALONGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with