^

Probinsiya

74-anyos puganteng Kano huli ng BI

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang 74-anyos na American national ng mga ahente ng BI Fugitive Search Unit (FSU), sa pakikipag-ugnayan sa US Department of State’s Diplomatic Security Service–Overseas Criminal Investigations (DSS-OCI) at sa PNP Criminal Investigation and Detection Group–Child Protection Force Unit (CIDG-CPFU) sa Tanza, Cavite noong Martes.

Natunton ang banyagang si William Joseph Sullivan, sa isang residential area sa Barangay Paradahan I, sa isinagawang enforcement operation madaling araw ng Agosto 19.

Si Sullivan ay wanted sa Estados Unidos dahil sa paglabag sa kondis­yon ng kanyang supervised release, na may kaugnayan sa kasong Criminal Sexual Conduct.

Humingi ng tulong ang mga awtoridad ng US sa BI na hanapin at arestuhin si Sullivan matapos maglabas ng arrest warrant ang Minnesota Department of Corrections noong Abril 2026.

Batay sa rekord ng BI, dumating si Sullivan sa Pilipinas ngayong taon at pinayagang manatili bilang temporary visitor.

Sinabi ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado, ang operasyon ay naaayon sa kampanyang #ShieldKids ng BI, na naglalayong palakasin ang pagsisikap ng Kawanihan na protektahan ang mga bata at iba pang bulnerableng indibiduwal laban sa mga dayuhang sexual predator at iba pang maaaring pagsamantalahan ang Pilipinas bilang destinasyon ng mga kriminal na gawain.

BI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with