^

Probinsiya

DepEd officer natagpuang naagnas sa damuhan

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
DepEd officer natagpuang naagnas sa damuhan
Kinilala ang biktima na si Dench Francisco Morales o mas kilala sa “Sir Dench,” Administrative Aide (ADA)-I ng Bacoor National High School-Gawaran Annex.
FIle

Matapos mawala ng 7-araw

CAVITE, Philippines — Patay at nagsisimula nang maag­nas nang matagpuan ang isang 28-anyos na person with disability (PWD) na empleyado ng Department of Education (DepEd) sa Bacoor National High School makaraang mawala ng isang linggo, sa madamong bahagi ng Molino Boulevard sa Brgy. San Nicolas 2, Bacoor City.

Kinilala ang biktima na si Dench Francisco Morales o mas kilala sa “Sir Dench,” Administrative Aide (ADA)-I ng Bacoor National High School-Gawaran Annex.

Sa ulat ng pulisya, natagpuan ang bangkay ng isang lalaki noong Agosto 20 dakong alas-4:45 ng hapon sa nasabing lugar. Halos hindi na ito makilala dahil sa unti-unti nang naagnas, na hinihinalang ilang araw nang patay at nababad sa tubig-ulan

Nauna rito, inireport ng kapatid ni Morales ang pagkawala nito sa himpilan ng pulisya.

Huli umano nilang nakitang buhay si Morales sa Main Square Mall, Molino Blvd. sa Brgy. Bayanan, Bacoor City nitong Agosto 13, 2026 dakong alas-4:30 ng hapon. 

Sa imbestigasyon, at backtracking ng mga CCTV ng pulisya, nadiskubre ang isang patay na lalaki sa Molino Blvd. sakop ng Brgy. San Nicolas 2 nitong Agosto 20. Hindi na halos maki­lala ang bangkay suba­lit tumutugma naman ang physical built nito at damit sa nawawalang si Morales. 

Agad isinailalim sa forensic examination at identification ng SOCO ang labi ng biktima at dito positibong nakumpimra na ito ang nawawalang si Morales. Hindi naman tinukoy ang sanhi ng pagkamatay ng biktima.

Kaugnay nito, humihingi ng hustisya ang pamilya, mga katrabaho, at kaibigan ni Morales. Hiling nila na malaman ang totoong dahilan ng pagkamatay ng biktima.

Hindi pa nagbibigay ng konklusyon ang mga awtoridad sa pagkamatay ni Rosales habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with