Robbie at Magui, matagal na ang relasyon!

Excited and 26-year-old Star Magic actor na si Robbie Jaworski sa una niyang laro with co-Star Magic talents sa araw na ito ng Aug. 23, 2026 sa SM MOA Arena para sa All-Star Games kung saan tampok ang stars and talents ng talent management arm ng ABS-CBN.
Tiyak na aabangang mabuti ang paglalaro ni Robbie ng basketball na kanyang minana sa amang si Robert ‘Dodot’ Jaworski, Jr. na dating basketball player maging ang kanyang grandfather, ang basketball legend na si Robert ‘Bobby’ Jaworski, Sr.
Magmula nung bata pa hanggang high school si Robbie ay mahilig na siyang maglaro ng basketball na hindi naman kataka-taka.
Kung hindi siguro pinasok ni Robbie ang showbiz ay malamang na ang pagiging basketball player ang pinagkakaabalahan nito ngayon.
Minana niya sa kanyang ina, ang dating Olympic equestrienne-turned actress na si Mikee Cojuangco, ang interes sa showbiz.
Gayunpaman, hindi pa rin nawawala ang passion ng paglalaro ng basketball ng rumored sweetheart ni Magui Ford, ang nakababatang kapatid ng matinee idol na si Daniel Padilla na kamakailan lamang ay namataan ang dalawa na namamasyal at nag-i-enjoy sa Ocean Park in Hong Kong.
Matagal nang sinasabing may relasyon ang dalawa, hindi nga lang daw sila umaamin sa publiko, pero alam daw ito ng kani-kanilang pamilya.
Anak nila Dimples, na-in love sa Australia
Mataga-tagal nang licensed pilot at instructor ang panganay na anak ng mag-asawang Dimples Romana at Boyet Ahmee na si Capt. Callie Ahmee sa Australia kung saan ito nagtapos ng aviation management sa Southern Cross University in Australia.
Ngayon ay maayos ang trabaho nito bilang instructress ng Aeroways Aviation in Australia at kung nanaisin niyang lumipad ay pwedeng-pwede niyang gawin.
Si Callie ay panganay and only girl sa tatlong mga anak ng mag-asawang Dimples at Boyet. Ang dalawa pa nilang mga anak ay sina Alonzo at Elio na parehong lalake.
Todo suporta ang ibinigay ng mag-asawang Dimples at Boyet sa kanilang panganay nang magdesisyon itong mag-aral sa Australia.
At the age of 18 ay natutong maging independent si Callie nang magsimula itong mag-aral sa Australia at doon na rin siya naghanap ng trabaho.
- Latest
























