^

PSN Showbiz

Bimby, maraming gustong sabihin sa kanyang lolo!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Bimby, maraming gustong sabihin sa kanyang lolo!
Bimby Aquino

Kumalat ang mga sinabi ni Bimby Aquino sa 43rd death anniversary ng kanyang lolo na si Benigno “Ninoy” Aquino Jr. noong Biyernes. “Research po. There’s a lot of videos of Lolo on YouTube. You’ll really get to know him as a person.

“We never had a conversation with him. But just research and trust reliable sources,” dagdag ng anak ni Kris Aquino, na hindi nakadalo roon dahil masamang-masama raw ang pakiramdam nito, sa mga nag-interview sa kanya.

Nang tanungin naman kung may gusto siyang sabihin kay Ninoy kung sakaling makakausap niya ito, sinabi ni Bimby, “Words cannot express the amount of things I want to say to him. But  I would say thank you, thank you for doing what he did for our country and for being a good dad to my mom and to my titas and Tito Noy.”

Ginunita ang Agosto 21 bilang araw ni Ninoy Aquino, isang pambansang holiday na itinatag sa ilalim ng Republic Act No. 9256. Ginugunita nito ang anibersaryo ng pagkamatay at pagpaslang kay dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. sa Manila International Airport noong 1983.

Anyway, tuloy na raw talaga ang pagso-showbiz ni Bimby na tila na hindi na talaga naalala ng ama niyang si James Yap.

Na habang tumatagal din ay nakikita ng netizens kay Bimby ang character ng kanyang Tito Noynoy na naging pangulo ng bansa.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with