Sen. Robin, binanatan ang streaming platforms, gumagawa ng mga barilan!

Kabilang sa mga sinisisi ni Sen. Robin Padilla ang mga streaming platform at mga teleserye na nagpapalabas ng mga barilan sa nagaganap na karahasan sa mga menor de edad. “‘Yung mga palabas, mga games na ‘yan, yari kayo sa akin sa hearing ko. Wala na tayong paliguy-ligoy. Kapag kayo talaga hindi kayo tumino, maawa kayo sa mga batang Pilipino. Kayo – ‘yung mga Netflix—kayo! Kayong mga nagpapalabas ng online, kayo mga nasa free TV ng Pilipinas na gumagawa kayo ng mga barilan... tama na. Maawa kayo. Ginagaya na kayo talaga,” bahagi ng pahayag niya sa isang live broadcast bilang reaction sa naganap na barilan sa Ateneo de Zamboanga.
“Pambihira. Maghanda kayo sa hearing ko. Subukan ninyong hindi pumunta, pasu-subpoena-hin ko kayo!”
Dating action star ang pulitiko kaya naman ang iba ay inilabas ang kanyang mga old video na nakikipagratratan siya sa eksena at meron ding may hawak na kutsilyo.
Ipinaalala rin kay Sen. Robin na action star ang anak niyang si Kylie Padilla at maging si Daniel Padilla.
- Latest


























