^

Pang Movies

Jennica, may pasaring sa mga katrabahong mas priority ang Tiktok kesa sa script

Salve V. Asis - Pang-masa
Jennica, may pasaring sa mga katrabahong mas priority ang Tiktok kesa sa script
Jennica

MANILA, Philippines — Windang si Jennica Garcia sa mga artistang katrabaho niya na dumarating sa set na hindi memoryado ang script at inuuna ang pagti-TikTok.

Sa isang interview nga ay inamin ni Jennica ‘yung pet peeve (It is a personal annoyance that happens over and over) ng ibang mga artista na alam daw niya dapat isinasapuso ng mga ito ang kanilang trabaho dahil ang artista ang may pinakamalaki ang bayad sa paggawa ng pelikula.

“Gusto ko, kasi ‘yun ‘yung pet peeve ko actually. Sa showbiz, ‘yung pupunta ka tapos hindi ka handa. Ta’s, feeling ko sa actors lang... Wala akong maisip na pet peeve sa prod, ganyan. Pero para sa akin kasi... well, pwede namang mali ako. Pero ang alam ko, tayo ang pinakamalaking bayad dito. No, kunwari may ginagawa tayong teleserye, lahat may roles, ‘di ba? May specific role. Oh ikaw, EP ka. Ikaw, director ka. Ikaw, P.A. ka. Ikaw, gaffer ka. Feeling ko tayo ‘yung may pinakamalaking...,” na ang tinutukoy ay ang mga artista.

“So, parang in my mind, tayo ‘yung may pinakamalaking sinasahod dito. Patunayan naman natin sa kanila na sapat ‘yung binabayad nila sa atin.

“So parang, kasi siyempre... We’re in this day and age wherein grabe, lahat na lang nagti-TikTok. Okay naman lang ‘yun, wala naman masama sa pag-TikTok, pero if we’re on the set, do you get me? Medyo bothered talaga ako by it. Wala naman akong kino-call out, but at the same time, it is sad when you ask these people, they really want to be an actor. But in my head, ‘if you want to be an actor, how come I don’t see you with your script? Right?’” mahabang sabi ni Jennica na maraming pumik-up sa Twitter/X.

“Kasi ikaw na rin nagsabi “ba’t wala kang dream role?” Wala pa nga akong dream role nito, but I do my job. So, parang kung gusto mong mag-artista, gawin mo. Kasi kaya ka nagkakamali kasi hindi mo siya alam by heart. Lines are not placed in the mind for you to remember. Lines are placed in the heart for you to feel,” dagdag pa ni Jennica kaya naman maraming netizens ang humula kung sino ang maaaring tinutukoy niya.

“And then ‘pag sinabing “action,” buga. Ganun kasi siya sa akin, I really take my job seriously. So parang, ‘yun ‘yung sa akin. Lalo pa kapag... Okay lang kapag ano... kasi nangyari din naman sa akin ‘yon. Kapag sunud-sunod ka, kunwari 12, 11 ka. So, ‘pag bigla akong may hindi naalala, kunwari 12 sequences. Twelve sequences ka for the day, 10 ka. In the end, kung 10 ka, ikaw din nang ikaw nang ikaw ‘yung kukunan, right? So, maiintindihan ko kung biglang, “ah, wait lang ah.””

Ang daming nag-react sa sinabi ni Jennica.     

JENNICA GARCIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with