^

Police Metro

Mag-asawa, apo, at tita utas sa sunog

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay ang mag-asawang senior ci­tizen, paslit nilang apo, at tiyahin nang hindi makalabas sa nasusunog nilang bahay sa isang re­sidential area sa Tengco St., Barangay 107, Pasay City nitong Biyernes ng hapon.

Unang narekober na magkayakap ang 3-anyos na bata sa kanyang lolo at lola habang ang tiyahin na nasa 50-anyos ay natagpuang nakasubsob sa banyo.

Batay sa ulat, ala-1:35 ng hapon nang magsimula ang sunog sa nasabing bahay na umakyat at nadamay ang nasa 300 kabahayan ma­ging ang ilang kabahayan sa katabing barangay.

Naging problema ang kakulangan ng tubig ng mga fire truck dahil sa pagkakasabay umano ng sunog sa Makati City kaya’t nagbayanihan ang mga residente sa pagbubukas ng kanilang mga gripo para malagyan ang mga truck ng bumbero.

Dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy ay hindi na nakalabas ang apat na biktima na unang naiulat na nawawala hanggang sa sila ay matagpuan sa ilalim na bumagsak na kisame at bubong ng yero matapos idineklang fire under control alas-3:45 ng hapon at fire-out pagsapit ng 4:45 ng hapon.

Tinutukoy pa ng arson investigator ang pinagmulan ng sunog at ha­laga ng mga napinsalang ari-arian, bagama’t may nagsasabing sumabog na liquified petroleum gas (LPG) ang narinig bago ang sunog. Samantala, natupok din ang dalawang palapag na bahay sa Barangay Poblacion, Makati City, at idineklarang under control ala-1:42 ng hapon.

SUNOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with