Grade 8 tiklo sa P.4 milyong shabu sa buy-bust
LEGAZPI CITY, Albay , Philippines — Kalaboso ang isang junior high school student at nahaharap sa mabigat na kaso matapos maaresto ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency at makuhanan ng mahigit P.4 milyong halaga ng droga sa ginawang buy- bust operation sa Purok-9B, Sitio San Isidro, Brgy. Puro, Legazpi City, Albay kamakalawa ng gabi.
Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na kinilala sa alyas na Marwil, 23-anyos, Grade 8, residente ng Purok-1, Brgy. Bitano, ng naturang lunsod at itinuturing ng PDEA na high value individual.
Ayon kay PDEA-Albay provincial officer Intelligence Agent lll Noe Briguel, dahil sa mga natatanggap na ulat mula mismo sa mga residente katuwang ang kanilang opisina, Regional Special Enforcement Team 2, PDEA-Regional Office 5 Barangay Drug Clearing Program at Legazpi City Police, inilatag ng Regional Enforcement Team 1 ang buy-bust operation laban sa suspek dakong alas-7:13 ng gabi.
Agad inaresto si Marwil nang iabot sa poseur buyer ang biniling droga.
Nakumpiska mula sa suspek ang 60-gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P408,000, 4-vape cartridges na may lamang liquid marijuana na nasa 4-gramo at nagkakahalaga ng P10,000, at Nissan Teana Sedan na ginagamit umano ng suspek sa ilega? na transaksyon.
- Latest





















