Pinay DH, pinaghimalaan ni St. Charbel (Part 5)
GUMAPANG ang kilabot sa aking katawan sa sinabi ni Inay. Isang doktor daw ang dumating sa aming bahay at ginamot siya. Iyon daw ang dahilan kaya siya biglang gumaling at naging malakas na ang katawan.
Hindi talaga ako makapaniwala at naisip na baka dahil sa mga ininom na gamot ni Inay kaya niya nasabi ang mga iyon. Maaring sa sobrang pag-iisip na rin sa kalagayan niya. Hindi ko na kinontra ang kanyang sinabi at sa halip, tinanong ko si Inay kung ano pa ang mga nangyari.
“Anong sabi niya, Inay?”
“Sabi niya, ipinadala mo raw siya,” sagot ni Inay sa matatag na boses.
Nagpatuloy ako sa pagtatanong habang patuloy na gumagapang ang kilabot sa aking katawan.
“Anong itsura ng doktor na dumating, Inay?”
“Malaking lalaki siya at maputi ang balbas!”
“Ano ang kanyang suot?”
“Itim na robe ang suot niya.”
“Anong oras dumating ang doktor, Inay?”
“Mga 1:30 ng hapon.”
Lalong gumapang ang kilabot sa aking katawan. Ang oras na sinabi ni Inay ay ang oras na nagdarasal kami sa libingan ni St. Charbel sa Annaya, Lebanon! (Itutuloy)
- Latest

















