^

Bansa

Obet posibleng pumasok sa PAR sa Linggo - PAGASA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isa pang bagyo na may international name na Saudel ang binabantayan ng PAGASA na posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa pagitan ng Linggo at Lunes.

Namataan ang bagyo sa layong 2,800 kilometro silangan ng Eastern Visayas. Taglay nito ang lakas ng hangin na 75 kph at may pagbugso hanggang 90 kph.

“’Yung binabantayan nating tropical storm na may international name na Saudel ay inaasahang posibleng pumasok ng PAR sa pagitan ng darating na Linggo hanggang Lunes,” ayon kay Chris Perez, Assistant Weather Services Chief ng PAGASA

Kapag pumasok sa PAR, tatawagin itong Bagyong Obet.

Hindi inaalis ng PAGASA ang posibilidad na palakasin pa ng Obet ang Habagat sa susunod na linggo.

“Posible itong kumilos patungong Taiwan area. Kung titignan ang pattern ng mga nagdaang bagyo, favorable pa rin ito sa pagpapaibayo ng Habagat,” dagdag ni Perez.

“Hindi natin isinasantabi na posibleng next week, may panibago tayong Habagat episode.”

PAGASA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with