^

Metro

Halos P300 milyong ‘bato’ isiniksik sa bato   

Mer Layson, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Halos P300 milyong ‘bato’ isiniksik sa bato       
Pinangunahan ni BOC Commissioner Ariel F. Nepomuceno ang inspeksyon sa nasabat na P292.4 milyong halaga ng shabu na itinago sa mga fabric pouch ng talc stone sa MICP.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Aabot sa 43 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P292.4 mil­yon ang nasamsam ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Bureau of Customs (BOC) sa Manila International Container Port (MICP).

Batay sa report na natanggap nina PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez at BOC Commissioner Arnel Nepomucenonakalagay ang mga “bato” sa mga fabric pouches na ginawang kahawig ng talc stones, mula sa isang shipment na galing Afghanistan.

Sa isinagawang pagsusuri, natuklasan ng mga awtoridad ang hinihinalang ilegal na droga na nakatago sa loob ng mga supot na tela. Ang kargamentong nagmula sa Afghanistan ay kinumpiska matapos ang isinagawang 100% physical examination na nakabatay sa risk profiling at pagsubaybay sa mga kargamentong itinutu­ring na high-risk.

Lumabas sa confir­matory laboratory test sa mga kinuhang sample ang presensya ng ­methamphetamine hydrochloride o shabu.

Ayon kay Nepomuceno, ang pagkakasabat na ito ay bisa nang mahigpit na profiling, risk management, at mapagbantay na border control sa pagpigil sa pagpasok ng mga ilegal na droga sa bansa.

Dahil dito, agad na nakipag-ugnayan ang BOC sa PDEA para hindi na makalusot at maikalat ang droga saka ito kinumpiska.

Patuloy na inaalam kung sinu-sino o anong grupo ang responsable sa pagpasok ng kargamento kung saan muling nagbabala ang BOC sa mga gu­magawa ng ilegal na sisiguraduhin nila na mananagot at mapaparusahan sila nang naaayon sa batas.

DRUGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with