2 Moro patay, 1 sugatan sa ambush sa Maguindanao

COTABATO CITY, Philippines — Patay ang dalawang Moro habang sugatan naman ang isa sa isang ambush sa mataong bahagi ng highway sa Sitio Panang, Barangay Salbu sa Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur kahapon ng tanghali.
Ayon sa report, agarang nasawi ang dalawang biktima na sina Kamarudin Mangansakan Ebus at Mohalidin Latip Esmael dahil sa mga tama ng bala sa pag-atake.
Sakay ng isang maliit na pick-up type cargo vehicle sina Ebus, Esmael, at Adin nang pagbabarilin sila ng mga armadong lalaki sa bahagi ng Cotabato-Isulan Highway sa Sitio Panang sa Datu Saudi Ampatuan.
Papunta sana sila sa Cotabato City nang pagtambangan sila ng mga armadong lalaki na agad ding tumakas patungo sa direksyon ng bayan ng Talayan sa Maguindanao del Sur sakay ng mga motorsiklo.
Naganap ang pag-atake sa lugar na hindi kalayuan sa isang roadside detachment ng Citizens Armed Forces Geographical Unit.
Pawang mga residente ng Cotabato City ang mga nasawing sina Ebus at Esmael at ang sugatang si Adin. Agad na dinala sa ospital si Adin ng mga emergency responder ng lokal na pamahalaan at ng mga pulis.
- Latest






















