^

Police Metro

Social media ban sa batang below 16, muling isinulong

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matapos ang nangyaring pamamaril sa isang eskuwelahan sa Zamboanga City ay muling isinulong ni Senate President Sherwin Gatchalian ang ‘social media ban’ sa mga menor-de-edad.

Sa panukala ni Gatchalian, nais nitong magpatupad ng ban sa paggamit ng social media sa mga batang wala pang 16 taong gulang.

Binigyang-diin ni Gatchalian na na-livestream ang insidente, napanood at nai-repost ng maraming tao, bagay na ikinabahala ng mga social media users na nakapanood nito.

Bukod dito, nagbabala siyang ang pag-livestream at pag-share ng ganitong mga insidente ng pamamaril, pati na rin ang mga itinuturing na graphic materials ay maaaring magdulot ng kaisipang normal ang ganitong mga pangyayari, lalo na sa mga kabataan.

Nakapaloob sa inihain ni Gatchalian na Social Media Safety for Children Act (Senate Bill No. 2066) ang panukalang ipagbawal ang social media para sa mga menor de edad na wala pang 16 taong gulang.

Inaatasan din ng panukalang batas ang mga social media platform na magpatupad ng safeguards tulad ng age and identity verification systems, mga hakbang para  maiwasan ang pag-iwas sa mga limitasyon batay sa edad, maayos na mekanismo para sa pag-ulat at mabilis na pag-responde para sa underage access, at iba pa.

SHERWIN GATCHALIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with