^

Probinsiya

Magkasintahang ikakasal todas sa bangga!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Magkasintahang ikakasal todas sa bangga!
Brgy. Busay, Cebu City
Google Map

MANILA, Philippines — Hindi na umabot sa altar ang isang magka­sintahang nakatakdang ikasal matapos masawi nang aksidenteng sumalpok sa konkretong poste ang sinasakyan nilang motorsiklo habang bumabagtas sa kahabaan ng Cebu Transcentral highway sa Brgy. Busay, Cebu City nitong Martes ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina John Mike Boyonas, 27-anyos at fiancée nitong si Rose Ann Mae Hermoso, 25-taong gulang.

Ang magnobyo ay nagtamo nang matitin­ding sugat sa katawan at kapwa idineklarang dead-on-arrival sa pagamutan.

Sa ulat ng Cebu City Police, habang bumabagtas sa bahagi ng naturang highway ang magkasintahan na magkaangkas sa motorsiklo nang bumangga sila sa isang poste sa Cebu Tops Road malapit sa Skyline Garden Columbary dakong alas-9:35 ng gabi.

Ayon sa imbestigas­yon, sinundo ni Boyonas ang kaniyang fiancée na nagtratrabaho bilang sales manager sa isang establisyemento sa lugar para ihatid sa tahanan nito nang mangyari ang malagim na sakuna.

Kasalukuya nang bumabagtas sa pakurbadang highway ang motorsiklong minamaneho ni Boyonas at angkas ang nobya nang tangkain nitong iwasan ang isang paparating na behikulo na mabilis ang takbo kaya hindi na nakontrol pa ang motor na nagbunsod sa pagbangga sa poste. Kapwa tumilapon ang dalawa na bagama’t nagawa pa silang maisugod sa pagamutan ng rescue team ay nabigo nang maisalba ang kanilang buhay.

Nauna rito, ang magkasintahan ay abala na umano sa paghahanda para sa nalalapit nilang kasal sa Setyembre bago naganap ang hindi inaasahang trahedya.

CEBU CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with