^

Probinsiya

56 barangay sa Oriental Mindoro lubog sa baha

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
56 barangay sa Oriental Mindoro lubog sa baha
Residents of Barangays Calizon and Bulusan in Calumpit, Bulacan wade through floodwaters brought by persistent monsoon rains on August 13, 2026.
Michael Varcas/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Nasa 56 barangay sa lalawigan ng Oriental Mindoro ang lumubog sa tubig-baha sa patuloy na malalakas na pag-ulan na dulot ng habagat, ayon sa ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) kahapon.

Sa rekord ng Oriental Mindoro PDRRMO, nasa 200 pamilya ang inilikas sanhi ng mataas na tubig baha habang hindi naman madaanan ang bahagi ng Strong Republic Nautical Highway sa lalawigan.

Nasa 126 na pamilya na binubuo ng 450 katao ang pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation centers habang 401 katao ang na­nuluyan sa mga kamag-anak at kaibigan.

Sa tala, kabilang sa mga naapektuhan ng pagbaha ay ang anim na bayan at isang siyudad sa lalawigan kung saan ang Naujan ang pinakamaraming apektado kabilang ang 19 barangay habang ang kapitolyo ng Calapan City ay nasa 18 barangay.

Nalubog din sa ma­tinding pagbaha ang anim barangay sa munisipalidad ng San Teodoro; anim sa Baco, 5 sa Mansalay, dalawa sa Puerto Galera, at isa sa Victoria. Nasa 15 kalsada rin sa lalawigan ang hindi madaanan ng ma­liliit na behikulo sanhi ng pagtaas ng tubig baha sa pag-apaw ng mga ilog kung kaya pahirapan ang pagbiyahe sa hilaga at katimugang bahagi ng naturang probinsya.

ORIENTAL MINDORO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with