Mabilis na trial nais ni VP Sara

MANILA, Philippines — Nanawagan si Vice President Sara Duterte na mapabilis ang proseso ng kanyang impeachment trial. Ginawa niya ang pahayag sa panayam sa media matapos dumalaw sa burol ng Grade 10 student na nasawi sa pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University.
Ayon kay VP Sara, ipinauubaya na niya ang proceedings sa kanyang defense team at tagapagsalita na lubos niyang pinagkakatiwalaan. Giit niya, “Gusto lang sana namin ay mapabilis yung proseso dahil hindi pwedeng tumatagal yung proseso natin.”
Ipinaliwanag ng Bise Presidente na kapag humahaba ang paglilitis, lalo umanong nagdududa ang publiko sa mga akusasyon. Tinukoy pa niya ang 1987 Constitution na nagtatakda ng mabilis na administrasyon ng proceedings.
Tungkol naman sa posibilidad ng kanyang pagdalo, nilinaw ni VP Sara na sapat na ang presensiya ng kanyang mga abogado sa Senado. Dagdag pa niya, sila ang naatasang magprisinta ng mga testigo at magsagawa ng cross-examinations.
- Latest



















