^

Pang Movies

Sports personality, pa-booking sa bakla!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Kapag natutunugan ng isang sports personality ang isang acclang personality na may pera, agad itong tumatawag para magpa-booking!

Eh hindi naman malaking-malaki ang name ni sports personality kaya suma-sideline siya sa accla!

Ito namang accla, dahil may pera at bihirang tumanggap ng out-of-town show, ‘yung kinikita niya sa show eh ay may sharing of blessings sa matipuhang sports personality at pumapayag!

Hindi naman kasi mahal sumingil si sports personality kaya afford na afford siya ni accla!

VMX Star Shannon, P1M ang asking sa indecent proposal!

Inamin ng VMX star na si Shannon Sizon na sinagot niya ang isang may indecent proposal sa kanya. Eh maganda na, sexy pa si Shannon kaya nakakatanggap siya ng maraming indecent proposal.

Ayon kay Shannon sa mediacon ng VMX special feature na VHS Tapes kung saan siya ang host, nawindang daw ang lalaking gusto siyang maka-one-night stand dahil sa malaking perang hinihingi niya at kondisyon sa pagkikita nila. “Humingi ako ng isang milyong piso. Ako ang mamimili ng lugar kung saan kami magkikita at may mga kasama ako!

“Nabigla yata siya sa mga sinabi ko kaya hindi na siya tumatawag ulit!” pahayag ni Shannon.

Ang VHS Tapes ay streaming na sa VMX at ka-back-to-back nito ang VMX movie na Apoy Sa Ibabaw, Apoy sa Ilalim na bida sina Rhian Rivera at Itan Rosales.

Hindi na namin tinapos ang back-to-back mediacon ng Viva at nang umalis kami ng 3p.m., nakauwi kami ng bahay ng 6:30 p.m. dahil ito ang araw na binaha ang halos buong Metro Manila dahil sa ulang dala ng habagat!

Vince, sumugod sa baha!

Isa ang Sparkle artist na si Vince Maristela sa napilitang bumaba ng sasakyan niya at naglakad dahil sa matinding traffic dahil sa baha na dulot ng habagat noong Lunes.

Ibinahagi niya sa kanyang Facebook ang kanyang paglalakad at may caption pa itong Baha Serye sa video. “Mas mabilis maglakad kaysa sumakay sa kotse,” sey ni Vince na todo pa ang ngiti.

Ang basketbolista namang si Mac Cardona eh nag-post ng video niyang lumalangoy sa isang bahagi ng Araneta Avenue at nagbiro na undergoing siya ng aqua training!

Todo galit ng mga taong lumusong at nabalahaw ng traffic dahil sa baha na dala ng habagat sa mga buwayang nagkamal ng pera dahil sa flood control!

BOOKING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with