Maikling brownout resulta ng paghahanda bago ang bagyo
Kahit tuluy-tuloy ang ulan
MANILA, Philippines — Naging limitado ang epekto ng mga pagkawala ng kuryente sa mga lugar na saklaw ng Meralco sa kabila ng tuluy-tuloy na malakas na ulan, ayon sa kumpanya, dahil sa mga isinagawang paghahanda at regular na pagpapanatili ng mga pasilidad bago pa dumating ang masamang panahon.
Ayon kay Joe Zaldarriaga Spokesperson, VP and Head of Corporate Communications ng Meralco, agad na ipinadala ang mga linecrew upang ayusin ang mga naapektuhang linya at pasilidad kahit sa gitna ng pagbaha, malakas na ulan, at mahirap na kondisyon sa ilang lugar. Sinabi ng kumpanya na ang lawak at tagal ng brownout ay dapat tingnan batay sa tindi at tagal ng epekto ng bagyo.
Ipinaliwanag ng Meralco na ang mabilis na pagbabalik ng serbisyo ay bunga ng tuluy-tuloy na pamumuhunan sa imprastraktura, regular na inspeksyon, preventive maintenance, pagpapalit ng lumang kagamitan, at iba pang hakbang upang mabawasan ang posibilidad ng malawakang pagkawala ng kuryente.
Samantala, hinimok ng kumpanya ang publiko na manatiling maingat at umiwas sa mga nakalaylay na kable, sirang poste, at iba pang delikadong pasilidad lalo na sa mga binahang lugar. Pinayuhan din ang mga residente na agad iulat ang anumang panganib upang mabilis na matugunan.
- Latest



















