^

PSN Showbiz

Global hit na Falling Into Your Smile, umere na!

Pilipino Star Ngayon
Global hit na Falling Into Your Smile, umere na!

Kakaibang love story na may halong tema ng esports ang mapapanood ng Pinoy sa Chinese romantic drama na Falling Into Your Smile, tampok ang ilan sa hinahangaang Chinese stars na sina Xu Kai at Cheng Xiao, umpisa noong Lunes (Aug. 17), 10:15 p.m. sa ALLTV2, Kapamilya Channel, A2Z, at iWant.

Lubos na pinag-usapan at naging global sensation ang serye noong una itong ipinalabas dahil sa magkahalong timpla nito ng romansa, komedya, pagkakaibigan at competitive esports.

Muling masisilayan ng Pinoy viewers si Xu Kai na unang napanood sa Story of Yanxi Palace na unang umere sa ABS-CBN taong 2020.

Kilalanin ang kanyang karakter na si Lu Sicheng, ang mahusay ngunit tila supladong captain ng ZGDX.

Makakatambal niya rito si Cheng Xiao na gaganap naman bilang si Tong Yao, isang mahusay na gamer na magiging parte ng kanyang team.

Sa kwento, haharapin ni Tong Yao ang matinding hamon ng pagiging bahagi ng isang all-male team habang pinatutunayan ang kanyang kakayahan sa competitive esports. Mas magiging makulay ang kanyang journey nang mapalapit siya sa kanyang team captain na si Lu Sicheng.

Makikita nga ng publiko ang mala-aso’t pusa nilang turingan sa simula hanggang sa unti-unting pagbabago ng kanilang samahan. Mananatili kaya itong simpleng professional relationship, o may iba pa kayang mabuong koneksyon sa pagitan nila?

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with