^

Police Metro

Pinas ‘bugbog na bugbog’ na sa fake news - Malacañang

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — “Bugbog na bugbog na ang bansa sa fake news.”

Ito ang ipinagdiinan ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro matapos matanong hinggil sa umano’y kumalat na maling impormasyon patungkol sa memorandum na inilabas ng Palasyo; kung saan inatas ang suspensyon ng in-person government work at pasok sa eskuwelahan sa Metro Manila at mga karatig-probinsya nito  Lunes, Agosto 17, 2026.

Sa isinagawang press briefing ng PCO, iginiit ni Castro na inaalam na nila kung sino nga ba ang nasa likod ng naturang fake news.

“Sa ngayon ay inaaral po natin ‘yan, at ang sabi nga po natin, lahat ng mga nagbibigay ng mga ganitong klaseng mga impormasyon na maaa­ring makaapekto sa ating mga kababayan ay hindi po palalagpasin,” saad ni Usec. Castro.

Aniya, “So, aalamin po natin kung saan ‘to nanggagaling; at medyo ang bansa po natin talaga ay bugbog na bugbog na sa fake news.”

Umapela naman si Castro sa publiko na tumulong para hindi na kumalat pa ang mga ganitong uri ng fake news.

“Hindi lamang PCO, hindi lamang ang pamahalaan ang magsasagawa ng anumang pag-iimbestiga nito o pag-a-assess. Kaila­ngan din namin ang tulong ninyo, lalung-lalo na sa mainstream media dahil kayo ay napakalaking tulong sa ating gob­yerno para hindi na kumalat pa ang ganitong klaseng fake news,” ayon pa kay Castro.

FAKE NEWS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with