Vice, nabobobohan sa mga bagong graduate!

MANILA, Philippines — Nag-agree ang mga nakarinig sa sinabi ni Vice Ganda sa It’s Showtime na “Ang daming graduates ngayon na parang walang alam. Ang daming honor students, pero parang aanga-anga kapag kinausap.”
Mga comment na “Totoo naman kasi,” “Very true... honor student from HS yet having difficulty getting into dean’ list for atleast 1 or 2 semesters in college,” “Akala ko ako lang nakakapansin,” “Totoo yan lahat nag-aaral ngayon walang alam...8080 sila,” “Yung iba kasi kaya gusto lang magkaroon ng honor kahit hindi sila ganun kagaling,” at “Walang focus... parang lutang lang.”
Vice is talking from experience dahil sa isang segment sa It’s Showtime, may mga contestant na kahit sinpleng tanong, hindi alam ang sagot. Gaya na lang ng isang contestant, tinanong kung saan ang seat ng presidente ng Pilipinas.
Walang maisagot at nang latagan ng clue na nagsisimula sa letter M ang sagot, ang sagot, “Malabon.” Hahaha!
Marami ang nag-comment na mas alam pa ng mga estudyante ang latest trend sa TikTok, sino ang trending at ano ang latest sa fashion kesa current events.
Nakakadismaya nga, kaya sumang-ayon kay Vice ang viewers ng IS.
And speaking of Vice, tila nag-taping na ito ng Gandang Gabi Vice dahil may lumabas na behind-the-scene photo sa taping ng show na sa GMA-7 ang airing dahil collab ito ng ABS-CBN at GMA.
Wilbert, massive ang fans
Based sa sigawan sa Smart Araneta Coliseum sa ginanap na Viva All Star, ang pinakasikat sa Viva stars ay sina Joseph Marco, Marco Gallo, Rabin Angeles, at Wilbert Ross. Sa Viva Music, ang may pinakamalakas na sigawan ay sina Arthur Nery, Rob Deniel, Amie Sol, at Adie Garcia.
Sumunod na may maraming fans sina Jairus Aquino, Lance Carr at ang mga recording stars ng Viva Music. In fairness, maraming fans ang mga taga-Viva at talagang sinusuportahan sila, kaya naman sunu-sunod ang kanilang mga ganap.
Kay Wilbert kami nagulat, ang dami talaga nitong fans, solo fans, at fans nila ni Bea Binene. After ng two night sold out WRten By concert niya sa New Frontier Thater, dadalhin ang nasabing concert sa Cebu at Davao sa October 10 at Oct. 25 respectively.
Kasama rin siya sa pelikulang The Guardian na showing sa September 2 in cinemas nationwide.
Korean-Filipino movie ito directed by Jeong Jang-Hwan.
Bida rin sina Wilbert at Bea sa Philippine adaptation ng pelikulang Pee Mak sa direction ni Victor Villanueva.
Layag din ang pagiging singer ni Wilbert, hit ang songs niya at alam ng fans ang kanyang mga kanta.
Kung hindi magdodoble sipag ang ibang VAA artists, malalampasan niya sa kasikatan ang mga kasama niya sa Viva.
Finale ni regine, may day 3 na
May day 3 na ang Finale concert ni Regine Velasquez dahil ito sa demand ng mga fans ni Songbird.
Bale, three days na ang last major concert ni Regine at humihirit pa ng another schedule ang fans dahil alam na mauubusan sila ng tiket.
Ang Day 1, sa Octber 17 mabilis nag-sold out ang tiket pati ang free concert sa Oct. 18, sold out na rin. Ang Day 3, sa Oct. 19, may bayad na ang tiket at sa August 30, 2026 na ang online ticket selling.
Kaya tuwang-tuwa ang mga fans na napagbigyan ang request nila kay Regine at sa producer ng concert na dagdagan ng date ang concert.
- Latest


















