P227 milyong droga samsam, 12 drug trafficker timbog!

Sa 6-araw drug ops sa Cordillera
MANILA, Philippines — Umiskor ang mga elemento ng Police Regional Office-Cordillera kasunod ng pagkakasamsam sa P227 milyong halaga ng ilegal na droga habang nasa 12 na drug traffickers ang nasakote sa loob ng anim na araw na operasyon mula Agosto 10-16, ayon sa ulat nitong Lunes.
Ayon sa Cordillera Police, nasa 17 anti-illegal drug operations ang kanilang isinagawa na kinabibilangan ng tatlong buy-bust operations, dalawang implementasyon ng arrest warrant, dalawang search warrant at walong marijuana eradications operations.
Nagresulta ang operasyon sa pagkakakumpiska ng aabot sa 1,124, 700 mga puno ng marijuana, 50,000 binhi, 150 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana at 8.49 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may kabuuang halagang P227,015,732.00 milyon.
Arestado naman ang 12 pinaghihinalang mga drug personalities na pawang nahaharap sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Kabilang naman sa mga nasakote ay apat na tinukoy na mga High Value Individuals (HVIs) at walong Street Level Individuals (SLIs).
Samantala, pinakamarami namang nakumpiskang marijuana ay sa lalawigan ng Kalinga na umaabot sa P224,946,800.00 at anim naman ang nasakoteng mga drug personalities.
Nasa P2,000,000 ang nakumpiskang halaga ng marijuana sa Mountain Province.
- Latest



















