Derek, sinagot ang pekeng plaka ng kanyang supercar!

Ilang malalapit na kaibigan sa entertainment media ang sinasagot lang ni Derek Ramsay kaugnay sa isyu nito sa LTO o Land Transportation Office.
Nadawit si Derek sa isyu ng supercar na ito na gamit diumano ang fake plate.
Naipaliwanag na kung ano talaga ang nangyari, pero hindi pa ito malinaw sa lahat.
NIlinaw lang niya na hindi siya gumagamit ng kotseng may fake plate sa kanyang social media account kahapon.
Nag-post na siya sa kanyang Instagram Story na ang sabi nito:
“I’ve seen the issue regarding the 918 Spyder on social media. I do not drive any cars with fake plates. All my vehicles have proper plates. All my vehicles have proper plates. Pls carefully read the statemen issued by LTO to properly understand what is happening.
“I have not yet received any show cause order, but I will cooperate and appear when requested.
“To the LTO, I apologize for what is going on.
“Driving with fake plates is wrong and should not be tolerated.”
Samantala, abala si Derek sa kanyang restaurant sa Makati na Bronte.
Laging puno raw ang restaurant niya na rave na rave ng mga nakakain doon na personal niya talagang inaasikaso.
Happy na raw si Derek sa mga negosyo niya, at nang tinanong ito ng ilang reporters kung possible bang umarte siya uli, ang bilis daw ng pag-iling nito.
Cherry Pie, ayaw tumandang mag-isa!
Feel na raw ni Cherry Pie Picache ang pagiging empty nester dahil may sariling buhay na ang kanyang anak.
Dati ay nakakasama pa ng premyadong aktres ang nag-iisang anak niyang si Nio sa mga lakad niya. Ngayon ay hindi na raw dahil may sariling buhay na ito.
Nakasama lang niya nung nakaraang gala night ng Cinemalaya movie nilang Mag-iina.
Nung nakaraang Biyernes ay dumalo si Cherry Pie sa book launch ng National Artist na si Ricky Lee.
Kasama siya sa nag-reading at mag-isa lang siya. “He’s busy with work. In his own na e,” bulalas niya.
“Oo. May sarili na siyang schedule. May sarili na siyang activities ‘di ba? So, it’s getting there,” sabi pa niya.
Getting there, na eventually ay mag-isa na lang daw siya. Single naman daw ngayon ang anak niya, pero alam niyang wala pa sa plano nitong magpakasal. “Hindi pa,” bulalas niya.
“Pero empty nester na parang ganun. Empty na, ganun. Alam ko na. So, nagdadasal na ako ng partner,” napangiti niyang pahayag.
Ayaw naman daw niyang tumandang mag-isa. Kaya open siya sa pakikipagrelasyon. “Oo,” napatango siya.
“Kung mangyayari. Kung hindi, e ‘di hindi,” napangiti niya uling pahayag.
So far, wala pa naman daw siyang nakaka-date sa ngayon.
Samantala, very proud si Cherry Pie sa pelikulang Mag-iina na entry nila sa Cinemalaya 22.
Ang huling Cinemalaya movie niya ay ang Isda 15 years ago.
Tuwang-tuwa siya dahil kasama siya sa pelikulang ito nina Giancarlo Abrahan at Guelan Varela-Luarca.
Natawa nga siya nang tinanong ito kung ano ang reaksyon ng kanyang anak.
Isang tomboy kasi ang role rito ni Cherry Pie at naging tomboy na siya sa Kaleldo, pero ngayon lang daw niya nagawa ang ilang eksena na pinag-isipan niya kung kaya ba niyang gawin. Itong eksena sa banyo.
“Ang hirap ng pelikula, ‘di ba? And I haven’t done that kind of role. Iba e. ibang-iba.
“‘Yun nga! Sabi ko game ako sa lahat, ‘di ba?
“I just wanted to know kung ano ‘yung treatment dun sa bathroom. Kasi ‘yun ‘yung medyo... kung paano ‘yun e,” tugon nito.
Ano ang reaksyon ng anak niya nang mapanood ang pelikula? “Sabi ko lang sa anak ko, ‘alam mo na, ang nanay mo aktres.
“‘So, sana maintindihan mo.’ Naintindihan naman niya. ‘Yun naman ang importante basta maintindihan,” saad ni Cherry Pie.
“Sabi ko nga, hiwalay ‘yung pagiging ina ko sa pagkatao ko. Dahil ‘yung pagkatao ko bilang aktres ‘di ba? So, sana maintindihan mo na bukod sa ina, tao rin ako na may sariling ano,” dagdag niyang pahayag.
- Latest

























