Chesca at Doug, gwardyado ang manliligaw ng mga anak!

Mahilig sa sports ang tatlong anak nina Chesca Garcia at Doug Kramer.
Swimmer ang panganay na si Kendra, tennis player ang pangalawang si Scarlette at basketball player naman ang bunsong si Gavin. “They’re all in sports. Kendra is a swimmer, Scarlette is a tennis player,” bungad sa amin ni Chesca sa Fast Talk with Boy Abunda.
Labingpitong taong gulang na ngayon si Kendra. Mayroong mga nagsasabing beauty queen material ang dalagita. “We don’t really talk about those things. May one time na tinanong siya kung gusto niyang maging Miss Universe. And I was so surprised, sabi niya ‘I’m thinking about it, maybe one day I can consider that,’” nakangiting kwento ng aktres.
Nagsisilbing inspirasyon naman umano sa pangalawang anak na si Scarlet ang tennis champion na si Alex Eala. “They’ve met each other for an event recently and she got so flattered because Alex was like, ‘I’ve heard so much about you.’ When we went to Australia early this year, we tried to watch her match. But it was a four-hour line so we couldn’t. And she had a training in Australia, so hindi kami nakanood no’n. But we witnessed the Eala craze,” pagdedetalye ni Doug.
Hindi raw pinilit ng basketball player ang bunsong anak upang sundan ang kanyang mga yapak sa paglalaro sa court. “For the longest time kailangang ipakita natin ‘yung different sports sa kanila. And eventually Gavin really chose basketball. For a while like lang, but now he truly likes basketball,” paglalahad ni Doug.
Isa ang Team Kramer sa mga pinakasikat na pamilya sa social media. Bilang mga magulang ay talagang disiplinado umano ang tatlong anak nina Chesca at Doug na hindi alam ng publiko. “Very hands-on kami ni Doug, pareho kami. I wouldn’t say we’re strict. Actually, we’re spoilers. May mga times talaga na si Kendra gustong umalis with her friends. Kaya lang she has to wake up at 5 a.m. kasi may training siya. So she needs to learn how to be committed and she’s learned through the years. And I think it’s paying off. Even her scheduling sa school siya ang nag-aayos. Magaling siya mag-schedule, they’re very balanced. Every Sunday we have a family Bible study. We talk, ‘How’s everything?’ Everyday we have dinner together. Kasi may school na eh, kailangan dinner talaga sabay-sabay kami, naghihintayan kami. Then nag-uusap kami, ‘Kamusta ka? How was your day?’” pagbabahagi ni Chesca.
Mayroon na raw nagpaparamdam na manligaw kay Kendra ngayon. “She has a lot of admirers. I feel like she’s so busy with her sports and studies. And she’s so focused on that. So kung meron mang nag-a-admire, hindi naman sila nakakadalaw sa kanya. Pero may mga nagme-message kay Doug. Tatanungin kung pwedeng i-take out si Kendra. But I have to give it to them. Ngayon kasama na si Scarlette do’n. My gosh, first it’s Kendra, ngayon silang dalawa na. I always tell Kendra and Scarlette, enjoy your youth. Enjoy the admiration but you don’t have to act upon it. Don’t mistake admiration for love right away,” nakangiting pahayag ni Chesca.
“Bawal. ‘Tito, aalagaan ko ‘yung anak mo.’ Meron pang nagpadala sa akin ng evite, kasal nila next year. Pati mga prom, never-ending prom invites. I said, no,” natatawang kwento naman ni Doug.
(Reports from JCC)
- Latest

























