Auditions para sa Pinoy Big Brother Collab 3.0, bukas na

New house. New dreamers. One mission!
Muling magbubukas ang iconic na Bahay ni Kuya, sa pagkakataong ito para sa mga ordinaryong Pilipino na nangangarap maging bahagi ng Pinoy Big Brother (PBB) Collab 3.0.
Ito ang naging pasabog na announcement nina OG Boarder ni Kuya, Bianca Gonzalez, Next Door Ka-Bonding ni Kuya, Kim Chiu, at Kapuso IT Girl at Sparkle artist Gabbi Garcia sa It’s Showtime noong Aug. 14.
Kasama rin nila sa naging announcement ang mga PBB Celebrity Collab Edition housemates na sina Mika Salamanca, Will Ashley, Klarisse de Guzman at AC Bonifacio pati na rin ang housemates mula sa PBB Celebrity Collab Edition 2.0 na sina Lella Ford, Joaquin Arce, Marco Masa at Ashley Sarmiento.
Sa pagpapakilala ng bagong season, magkakaroon ng pagkakataon ang mga Pilipino mula saan mang parte ng mundo na may edad 18 hanggang 35 na matupad ang kanilang pangarap na maging opisyal na housemate ng Pinoy Big Brother. Kailangan lamang mag-upload ng one-minute video ng pagpapakilala sa sarili at sumagot sa tanong kung bakit sila ang nararapat na maging bagong housemate sa Joinnow.ph/PBBCollab mula Aug. 14 hanggang Aug. 31, 11:59 p.m.
Ibinahagi rin ng mga PBB host na ang pagbubukas ng auditions – na opisyal ng binuksan sa 24 Oras – ay isa lamang sa maraming malalaking sorpresa at pasabog, kasama na rin ang mga detalye tungkol sa bagong Bahay ni Kuya.
Para sa ika-14 season nito, layunin ng Pinoy Big Brother, katuwang ang GMA Network at ABS-CBN Studios, na ipagdiwang ang kulturang Pinoy sa pagpapatibay kasabay ng pagpapatibay ng makabuluhang koneksyon sa bawat isa.
- Latest


























