^

Pang Movies

Jericho, gustong gawing bida sa local version ng Agent Kim!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Jericho, gustong gawing bida sa local version ng Agent Kim!
Jericho Rosales
STAR / File

Mr. M, inaming na-secret... kay Vice!

Maraming nasorpresa sa pagpirma ng kontrata ni Vice Ganda sa MediaQuest headed by Mr. Manny ­Pangilinan (MVP) noong nakaraang Linggo.

As in nanggulat nga naman sina MVP at Vice sa kanilang major collab.

At kabilang sa mga nasorpresa, si Mr. Johnny Manahan.

May ilang nakakaalam tungkol dito pero majority ang hindi.

At naniniwala si Mr. M na mas marami nang naa-attract na artista na sa kanila magkaroon ng programa.

Nakikita niyang mas mataas na ang credibility ng network kaya dumarami na ang gustong maging ‘kapatid.’ “Oo naman, kasi nagbibigay rin sila ng credibility sa amin. Tsaka pati sa amin, may confidence silang pumunta rito eh. At parang hindi naman patakbuhin iyong ginagawa namin. Maganda naman siguro,” sabi niya patungkol sa mga guest nila sa first anniversary ng OPM variety show Vibe+ na napapanood every Saturday sa TV5 na kung saan nga namin siya nakausap kaya naitanong namin ang tungkol kay Vice.

“Kaya we can attract people. Vice Ganda hindi ko nga alam kung…” sabi niya.

Wala kayong idea na papasok si Vice? Tanong namin.

“Wala, bigla na lang pumutok iyon eh,” mabilis niyang sagot.

Dagdag niya: “Oo. Kaya kung minsan dito, sikreto,” sabay tawa ni Mr. M.

Na-A Secret in Prague raw sila (title ng serye nina Enrique Gil and Andrea Brillantes sa TV5 na napapanood din sa ABS-CBN platforms at Netflix). “Ako nagulat ako. Pinag-uusapan nga namin, ano kaya iyon? Ano iyon may bagong basketball team ako, may ipre-presenta ako. Vice Ganda pala,” sabi niya bago nagkaroon ng major media announcement.

“And we’re happy na mayroon na ulit siyang gagawin dito. Hindi namin alam kung ano. Pero we’re happy,” pagbibigay ng reaction ni Mr. M sa amin.

At handa na raw siyang makipagtrabaho sa Unkabogable star. “Ano naman siya, tunay na star naman iyon eh. So, it’s nice to have him with us,” sabi ulit ni Mr. M.

Samantala, sinagot din niya ang tungkol sa tanong namin kung totoong magi­ging Kapatid na rin si Julia Barretto sa lalong madaling panahon. “Nabigla rin kami. Kasi ‘di ba urong tapos sulong, tapos hindi, tapos bigla na lang, okay. Happy for her also.”

Tulad nga unang nabanggit niya, dama niya na matapos ang isang taon, pakiramdam ni Mr. M, mas madali na silang mag-imbita ng mga guest sa Vibe+. “Hopefully, iyong mga iba, kunwari sa ibang channel, mas marami ang pwedeng i-guest, ‘di ba, kahit sa GMA. From the start naman ang concept namin dito sa TV5, open sa lahat.

“Number one, out of necessity, open sa lahat. Pero sa isip namin, naging maganda na rin iyon. Kasi ‘di ba ngayon kahit sinasabi ko iyon, kahit kelan Piolo, Echo (Jericho Rosales), Bea (Alonzo), ‘malalaki na kayo.’ You can go your own way, hindi naman kailangan matali kayo sa isang station.’ Katulad naman noon, wala namang bawal, bawal dito, bawal doon. Galing ako sa Channel 5, Channel 7, Channel 13. Inikot ko na iyan eh. Kasi ganun noon eh, mga guest, naggi-guest sa kung saan-saan. So, sana ganon ulit,” sabi niya sa amin tungkol sa concept ng kanilang programa na sa unang linggo ng celebration ay naging guest nila sina Maymay Entrata and Angeline Quinto.

Anong feeling niya na naka-isang taon na pala ang ‘yun? “One year na, unbelievable. Nandito pa kami. Pero parang kailan lang. Ang bilis ng panahon kasi ang daming nangyayari. So, ano kasi kami, iyong Vibe galing sa halos wala. So kailangan i-build up lahat. Dito, itong Vibe mismo, kailangan bigyan ng identity. So, ayun ang napili nila, iyong OPM show.”

Nang kumustahin naman ang rating after a year?

“I don’t think na competitive pa. Pero nandun na, malapit na. Malapit na maging competitive kahit papaano. Tsaka nare-recognize na, napapansin na ng viewers tsaka mga artista. Mas madali ngayon sabihin na may show kami, pwede kayong makasama rito. Alam nila.

“Kapag tinitingnan ko nga, ang reaction ko, okay nga pala. Okay naman pala iyong ginagawa namin. “

At nakakaramdam daw sila ng pressure lalo na at ito ang platform for Star Worx artists, ang talent arm ng TV5. “Makita mo iyong mga iba, pagdating sa amin, walang confidence, walang alam actually, except for desire na mag-succeed, gumawa ng pangalan para sa sarili nila. And we have a good batches. Iyong mga bata, iyong mga bagong discoveries,” na ang tinutukoy niya ay ang Block 1 ng Star Worx.

Pero ano ang update sa mga bata? May mga kanya-kanya na silang shows? Most of them ba?

“Oo. Meron naman nakatoka na sila sa mga iilang shows. Baka some of them sa last quarter nitong panahon, most of them early next year sa mga bagong shows. So ‘di ba iyong shows kailangan maghintay iyong mga ibang shows kasi puno na iyong mga slot eh. Pero next year, bubukas iyon eh. So we will have more shows for them.”

But anyway, sa pahabol na tanong namin, na at this point in time, may gusto pa ring gawin si Mr. M na action movie and musical.

Ang isa ay starring Cesar Montano.

Gusto rin niyang gawan ng local version ang Agent Kim Reactivated na isang 10-episode na South Korean action-thriller K-drama na pinagbibidahan ni So Ji-sub bilang isang mahinahong ama na muling binuhay ang kanyang nakamamatay na black-ops skills nang mawala ang kanyang anak na teenager. At ang gusto niyang bida kung sakali ay si Jericho Rosales.

Grabe ang mga eksena sa nasabing Korean series at ‘yun ang naisip gawin ni Mr. M kung magkakaroon ng chance.

Maaalalang last November ay pumirma ng kontrata si Mr. M sa TV5.

Buung-buo ang suporta ni Mr. Pangilinan sa pagpasok ng Star Maker sa MediaQuest: “We’ve always believed in investing in Filipino talent, their stories, their artistry, and their dreams,” umpisa ng MediaQuest chairman. “Having Mr. M on board strengthens that mission. Together, we aim to bring out the best in our people and elevate the industry to new heights,” pahayag ni Sir MVP that time.

JERICHO ROSALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with