P7.2 trilyong 2027 budget, hihimayin na sa Kamara
MANILA, Philippines — Sisimulan ngayong Lunes, Agosto 17, ng Kamara ang masusing deliberasyon sa panukalang P7.2 trilyong national budget para sa 2027 na inihain ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Tiniyak ni Speaker Faustino “Bojie” Dy III na magiging transparent ang proseso at may live streaming sa mga pagdinig upang masubaybayan ng publiko ang takbo ng talakayan.
Unang isasalang sa budget hearing ang Development Budget Coordination Committee (DBCC) upang ipaliwanag ang sources of financing, expenditure levels, at mga proposals ng iba’t ibang departamento, ahensiya, at mga GOCCs. Kabilang dito ang economic team ni PBBM: DBM, DEPDev, DOF, at Bangko Sentral ng Pilipinas.
Ayon kay House Appropriations Chair Mika Suansing, handa na silang himayin ang bawat detalye ng spending plan.
Nangunguna sa may malalaking alokasyon sa 2027 Budget ang DepEd – P976 bilyon; DPWH - P644-B (mahigit P100-B para sa flood control); DOH - P253.8-B (kasama PhilHealth); DILG - P332.5 B; DND - P328.8-B; DOTr - P302.2-B; DA – P261.7-B; DSWD – P241.6-B; SUCs – P176.5-B; Judiciary – P86.3-B.
- Latest




















