^

Police Metro

Kelot binoga sa ulo sa birthday party, todas

Ed Amoroso - Pang-masa
Kelot binoga sa ulo sa birthday party, todas
Ang biktima na namatay noon din ay kinilalang si Jayson ­Pantojo, na nagtamo ng tama ng bala sa ulo habang ang sugatang kasama ay si Leonardo Herjas na isinugod sa ospital dahil sa tama ng bala ng baril sa balikat.
STAR / File

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang lalaki habang sugatan ang kasama nito nang sila ay barilin ng kapwa bisita sa isang birthday party sa Barangay Paraiso, ­Calatagan, Batangas noong Sabado ng gabi.

Ang biktima na namatay noon din ay kinilalang si Jayson ­Pantojo, na nagtamo ng tama ng bala sa ulo habang ang sugatang kasama ay si Leonardo Herjas na isinugod sa ospital dahil sa tama ng bala ng baril sa balikat.

Kinilala ang suspek na si Christopher Riva, alyas “Tope”, na agad tumakas nang mapatay ang biktima.

Sa imbestigasyon ni P/Master Sergeant Angelo Barcelon, na sina Pantojo Herjas at Riva ay mga bisita sa isang birthday party at pawang residente ng Barangay Paraiso.

Ang suspek na si Riva kasama ang lima pang bisita ay naunang duma­ting sa pagtitipon nang dumating sina Pantojo at Herjas at nakisabay sa inuman.

Habang nag-iinuman ang dalawang biktima ay tila umano nainis si Riva na noon ay lasing sa mga una na tumayo at bumunot ng kanyang baril at binaril ng malapitan si Pantojo sa kanyang ulo habang si Herjas ay binaril sa balikat.

Nang duguang bu­magsak ang dalawang biktima ay tumakas si Riva na pinaghahanap na ngayon ng mga otoridad.

BATANGAS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with