^

Probinsiya

8 mangingisda timbog sa ‘paihi’ sa Batangas – PCG

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Walong mangingisda ang inaresto ng Philippine Coast Guard (PCG) dahil sa hinihinalang nagpupuslit ng produktong petrolyo sa karagatan ng Tingloy, Batangas, kamakalawa.

Nasa kustodiya na ng PCG ang mga hindi pinangalanang mga ­mangingisda, bunsod nang hinalang sila ay sangkot sa oil pilferage o hindi awtorisadong pag­lilipat ng produktong petrolyo sa karagatan.

Batay sa ulat ng PCG-Batangas Station, bago ang pag-aresto ay nakatanggap sila ng ulat hinggil sa isang fishing vessel na sinasabing nagkaroon ng engine trouble at namataang palutang-lutang, may 30 metro mula sa pampang ng Barangay Makawayan kaya’t kaagad na rumes­ponde.

Gayunman, kinuwestiyon ng mga tauhan ng PCG ang kapitan at mga tripulante matapos na madiskubreng ang kanilang fishing vessel na may habang 26 metro at may gross tonnage na 15, ay hindi dokumentado.

Natuklasan din, base sa pahayag ng isang tripulante, na ang fishing vessel ay may kargang 5,000 litro ng diesel fuel nang walang kaukulang permit mula sa pamahalaan.

Sinasabing ang 4,000 litro ng diesel ay intensiyon bilang kargo habang ang natitira pang 1,000 litro ay para sa sariling gamit o konsumo ng fishing vessel.

“The PCG Legal Unit and Investigation and Detection Unit are conducting case build-up to establish the source, ownership, intended disposition, and legality of the petroleum products,” anang PCG.

PCG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with